1110 Các câu trả lời
Ako may dala ng pera niya for budgeting purposes 🤣 siya yung nagpapaalam sakin kung may gusto siya para masama ko sa budget. Naniniwala kasi siya sa kasabihan na "Happy Wife, Happy Life"
no. ako nga sinasabi ko sa husband ko "penge naman ako pera mo?" kasi sya naman naghirap sa pera nya eh kaya kailangan magpaalam talaga depende na lang din sa kanya kung kusa nya ibibigay. 😊
Para sakin po hindi mas maganda kse yung nagsasabi muna bago kumuha kse pag maghahanapan madalas magdedeny pa yan feeling ko nagmumukha akong tanga nun . tsaka sign din ng respect sa isa't isa.
Hindi pwede. Kahit ako, ayokong pinapakialaman wallet ko ng hindi nagpapaalam so bakit ko gagawin yun sa asawa ko. Paano kung may mapagbintangan siyang iba kasi kumuha kang hindi nagpapaalam.
Hindi magandang kumuha ng walang pasabi sa wallet ni mister dahil ito ay maaring sanhi ng away niyo at sabihan ka pang sinungaling. Mas maganda parin na nagsasabi at open kayo sa isa't isa.
Para sa akin po hindi…kahit po mag asawa kelangan paring magpaalam hindi lng sa pagkuha ng pera sa wallet kundi sa lahat ng bagay malaki o maliit na bagay…ganun po kasi km ng asawa ko
No. Common courtesy nalang din. Personally, ayoko na biglang may nawawala sa wallet ko dahil computed ko yun everyday to the last centavo. Kaya di ko din gagawin sa iba kahit asawa ko pa.
no, ako bilang asawa ko diko ugali yung ganun kapag pera ng asawa ko nagpapaalam pa ako kahit mapa barya kapag sa gastusin asawa ko nag babudget kasi pera nya naman yon ayoko pakeelaman
okay lang naman samin mag asawa kahit hindi na magsabi, pera nya sa amin na yun dalawa,ayaw kasi namin eversince na naging mag asawa kami na pag awayan ang pera.Mabait si hubby😊
no never ko ginawa yan, pero pag maubusan nako ng budget sa food namin mag ask ako kung meron pa siya natitira sa allowance niya at manghihiram ako pero wala ng bayad un haha 😅