1110 Các câu trả lời
for me its a No-no. kahit mag asawa na kayo dapat pinagpapaalam mo p dn kung kukuha ka ng pera sa wallet nya. Dapat transparent kayo, kasi kung sayo gagawin un hindi din maganda sa pakiramdam. 😊
sa case namin ng hubby ko hindi ako nakakakuha pa sa wallet nya kc binibigay niya sakin sahod nya nakuha lang siya ng allowance niya , nahingi nlang ulit siya incase na maubusan siya ng allowance niya ,
no dapat magpapaalam p dn, aq pag kumukuha c hubby ng pera s wallet q ng d q alam naiinis aq kc panu pag merong kelangan bilhin mga ganun. tsaka pag aq ang kukuha s wallet n hubby nagpapaalam aq.
Hindi po lalo kung malaking halaga ako ginagawa ko lang yan pag wala akong barya 20,50 at coins lang kinukuha ko pero pag 100 pataas nagpapaalam ako na ganon kinuha ko at babalik ko sukli kung meron.
Para sakin hindi okay kasi may karapatan pa rin sya na malaman yung ganung bagay at mas okay yun para alam nya din kung saan ginagamit yung perang kinukuha sa wallet nya para iwas away 😊
wala po syang wallet..nasa cabinet lang lagi ang pera.pag may gusto kami bilhin..sa cabinet lang kami nakuha.heheh.nagsasabi kami sa isat isa kung magkano kukunin namin para iwas na sa tanungan.😊
for me, no po. samin kasi ako pinapahawak ng pera ni hubby. binibigay nya sakin lahat. ako na daw bahala. pero pag may kailangan ako bilhin, nagsasabi muna ako sa kanya. respect na rin po yun.
As for me, I always ask my husband.. kahit hindi naman nya ako pinagbabawalan kumuha sa wallet nya. It is to show respect pa dn para sa kanya. And it's good practice na dn saming mag-asawa. 🥰
Kung small amounts para lang bumili ng pangrekado sa niluluto, or sabon panlaba sa tindahan, mga ganun, di na ko nagpapaalam. Pero pag malaki oo, kasi minsan may order pala sya sa shopee na COD.
for me kahit na asawa mo na sya idaan padin sa tama at bigyan ng karapatan ang asawa sa sarili niyang pera, kahit nga sana ung bugsan lang ung wallet ng asawa nakakahiya din kung hindi nia alam.