7 Các câu trả lời
Relate din po ako dyan, una sa gender reveal na di na natuloy kase naipagsabi na nya kaya nawalan na ako ng gana tapos ngayon naman mga gamit na binibili ko para kay baby, meron naman daw napaglumaan mga naunang apo bakit daw bumili pa nag aaksaya lang daw ng pera, sabi pa baka daw kase gusto ko madami anak at maarte ako ayaw ko ng pinaglumaan. Di na lang ako nagsalita, basta para sakin basta makatulong sa kin at maginhawaan baby ko go ako.
Hay nako mi. Ramdam kita. pero sakin buntis palang ako may say na, btw dto kami sa side ng husband ko. May times na nag aasaran yung asawa ko at kapatid nyang bunso, tapos itong mil ko makikisabat sya tapos babanggitin nya na "baka yung anak nyo mas pangit pa pag labas" sabay tawa. Ako tong nanahimik sa gilid magugulat nalang ako. Bukod sa nasaktan ako, I think di Tama yung nasa tyan kopa lang nagsasalita na syang ganon. Kaloka. Skl 😪
Grabe naman makapagsalita yang mil mo mii prang di niya apo yung dinadala mo ah. Nakakainis yung ganyan. Kung ako mii bubukod ako ayaw kong kasama ganyan sa isang bahay😅maistress lang ikww mii
much better po mag bukod na po kayo na bahay kesa dyan ka po mag stay ky mil mo po for your peace of mind...dami lng iyan mapupuna sayo..parang gusto pag alaga na apo niya aakuin na.. feeling kasi nila my right sila po kasi andyan ka.po na pamamahay nila.
Nakabukod na po kami mommy kaso pag pumapasyal kami saknila dun siya mdaming comment😅
ako naman yung nanay ko. naiinis ako eh hahahhaha pero yung Mil ko lahat na ata ng angkan nya at mga anak nta kamukha na ng anak ko pero never pa nya sinabi na kamukha ko. prang hindi ako ang nanay eh hahah
Kaya ako bago nag asawa sinabe ko sa sarii ko ayoko ng malapit samen or sa pamilya ng asawa ko. Ang hirap pag malapit lang or nakikipisan. Mas masaya pag sasama kung walang makikielam sa inyo
Totoo to mii hays
ng dahil sa pakikielam ng mother inlaw ko bumukod na kmi.
Anonymous