Share ko lang. Medyo mahaba pasensya na. Gusto ko lang maglabas dito ng inis ko

Ok naman saken na may hobby yung husband ko. Kasi nakilala ko na sya ng ganun and pareho kami mahilig sa sasakyan. Ngayon, binenta kasi nya yung isa namin sasakyan (which is daily use car namin) para dun sa project car nya bibilhan nya ng bago makina and iuupgrade. Ok lang na ibenta, as long as maglalaan sya ng pera galing don para kay baby. Kasi yung sasakyan na yun ang ginagamit ko na pagpunta sa OB at kung saan saan pa. Nagbigay naman sya ng pera para isama sa ipon namin. Now, naiinis lang ako kasi kahit binigay nya na saken para itabi, onti onti naman nya hinihiram kasi baka magkulang daw yung natira pera para sa parts ng sasakyan. Dami na kasi pinalitan na parts nung sasakyan and labor pa ng pagpagawa. Normal lang ba na mainis? Kasi may ipon naman kami na iba, pero naiirita parin ako. Ayoko nalang magsalita sakanya kasi baka isipin nya inaaaway ko sya dahil sa pera. Para saken kasi feeling ko inuuna nya pa yung sasakyan kesa sa ibang bagay na importante. Gusto ko kasi sobra yung ipon hanggat maaari ayoko muna maglalabas ng pera at gagastos. Tapos parang di pinagisipan yung ginawa nya. Biglaan lang na gusto nya iuphrade sasakyan. Hindi ko naman din magagamit kasi sobra lowered nun para saken. Ano ba dapat ko gawin? Baka mamaya ang babaw ko. ??

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hirap nga nyan. if may steady income naman siguro siya, sss at philhealth naman kayo saka sapat naman ung matitirang pera sa panganganak mo, hayaan mo na muna siguro. kasi mahirap din kausap mga lalaki saka baka ma stress ka lang. tutal, kung sya naman ung bread winner, siya naman mamromroblema if ever. pero kung kaya mo siyang pakiusapan tungkol jan sa pera, kung siya ung tipo ng napapakiusapan, go for it. basta ang importante, wag ka lang magpa stress habang buntis ka. remember, mas importante si baby sa mga ganitong panahon.

Đọc thêm
6y trước

Yes may ipon naman kami. Gusto ko lang sobra sobra. Since binenta yung daily car namin. Bibili na naman ng panibago sasakyan kasi yung project car nya di naman magagamit, hindi ideal gamitin for everyday use kasi di ko kaya magdrive ng lowered. Parang pang car show na sasakyan sya. Sabi ko nga after na ng lahat ng occasion tyaka nya gawin yun. Kasi for sure may matitira sa ipon namin. Di ko lang mapigilan mainis. Di ko din alam bakit. Anyways. Thank you po