15 Các câu trả lời
Ako po sa parañaque nanganak sa lying in. Okay naman po, doktor ang nagpaanak sakin bumyahe pa sya galing sa ospital. 10k lang ang binayad namin, wala kasi ako philhealth at di kami kasal ng partner ko kaya di ko magamit yung kanya. That time, solo ko yung lying in, ako lang mag isa kaya hands on sila sakin. Okay naman ako dun, tutok din sila sa baby nung lumabas na. Kung dumedede ng maayos, kung kumpleto na mga gamit, kung nakapupu na, yung visits para sa mga bakuna, etc.
Kung saan ka nagpapacheckup dun ka manganganak. Hirap niyan kung bigla bigla ka lilipat ng lying-in pero sa hospital ka may record. Baka hindi ka matanggap sa lying in lalo kung may possible na ma-CS ka. Although ok sa lying in pero may mga instances kasi na tinatanggihn nila kapag hindi normal ang delivery ng patient. Mahihirapan ka niyan matanggap sa hospital kasi wala sila record on your entire pregnancy pero depnde pa din po yun.
Ako po prefer ko manganak sa lying in this december pero sabi ng midwife pag first baby daw dapat talaga sa hospital kaya nirecommend nya na dapat may record ako sa lying in and may record rin sa hospital para incase na hindi ko kaya sa lying in matratransfer ako sa hospital. Mas mura kasi sa lying in pero yun nga po pag first baby sa hospital daw talaga dapat sabi sakin mismo ng midwife.
Yes po. Mas focus sila sa mga patient. Ako, sa lying in ko pinili manganak kahit first baby ko to. And hindi naman ako nagkamali sa pinili kong lying in kasi nung naglalabor na ako sabi ko sa mga midwife padala na ko sa hospital, magpapa cs nalang ako pero pinalakas nila yung loob ko to push NSD. I'm thankful sa mga taong yon 💓
Mas better hospital pag panganay since pra if ever may prob sayo or sa baby atleast nasa hospital na no need to transfer transfer kna hassle ksi pag ganun pag palipat lipat may mga lying in na di tumatanggap pag first baby kya mag hospital nalang
Ok po sa lying in, dun ako nanganak with my two kids. Hehe. Ok naman si midwife mukha sila masungit tignan pero alagaan ka nila once nandun kana. And wala din ako binayaran dahil sa philhealth meds lang.
Yes po ok nman.. kaya lng isa lng ang midwife tapos my kasabay ako mg labor kaya ang ending sa kama ako napaanak.🤣
Ako po simula sa pnganay lying in dun ko na nakasanayan ok nmn po madalas solo ko d gaya sa ospital ang dami tao
ok lang po kung wala kang complication at kung normal delivery
Much better sa hospital kapag 1st baby mamsh.