Landlady, Pahingi po advice at Suggestion ano magandang gawin.

Off topic po, mga moms, naguluhan lang ako, kase yung land lady namin ng asawa ko, gusto nyang mag bigay kami ng 6k sa october gawa ng advance at deposit, ganto kase yun, mejo nainis lang ako, buntis ako at dapat maintindihan nya kami, lagi naman kami nagbibigay pag may pera kami e di kami mahirap kausap. Nung unang tira namin dito sa apartment nya nag bigay kami ng 6k, nung nakaisang buwan na kami dito exact date nag bigay ulet kami 3k, bale 9k lahat sa loob ng isang buwan, ksama deposit at advance, so tuloy tuloy yung bayad namin kahit minsan late lang ng 2 days yung pag aabot namin ng bayad ng upa kase inaantay namin sahod ng asawa ko, then dumating yung time na bed rest nako, dina ako nag wowork kase yun sabi ni doc sakin, alam yun ng land lady namin kase kinwento ko, so nakiusap kami na di muna kami magbibigay ngaung buwan, which is staring from AUGUST 30 TO SEPTEMBER 30, wala pang isang buwan diba? Pinag usapan namin yan last saturday na isa lang nagamit namin kase di nga kami nag bigay nung aug. 30 gang sept. 30 which is yung advance muna gagamitin namin. So meron pang deposit diba? kase wala na kaming pera, pagkain nalang namin, so if ever di padin kami makapg bigay from sept. 30 to oct. 30 ay gamit na lahat pati deposit tama? So ngaun, kinausap ako, senakto nyang wala yung asawa ko, nahihiya yun sa asawa ko, nung una nilito pa kami gamit nadaw namin lahat, sabing asawa ko nung sabado that time di sya pumasok ng work di alam yun ng landlady namin akala nya ata nasa work sya, nilito nya ako na gamit nadaw lahat, di naman ako bobo pero di ko alam anong tingin nya sakin, mukha kase akong bata kaya siguro ginaganun ako, nung saturday kinausap nga ako na gamit nadaw lahat (yung deposit at advance,) nung MAY sabe ng asawa ko hindi, kase na late lang te yung pag abot namin sayo, diba dapat iaabot namin ng may 30? Kaso nung JUNE 2 na namin naiabot? Na late lang te ng 2 days pero nagbayad po kami ng May, at nung june, days lang naman po ang pagitan na lalate e, pero bayad po kami lahat walang ligdang exept po ngayong aug. 30 di kami nagbigay kase ginamit namin yung ADVANCE yun sabe ng asawa ko so umalis na sya, at ngaung lunes kinausap ako ngaun ngaun lang, di ako makaimik kase naiinis ako napapaisip ako na parang may mali talaga, gusto nyang mag bigay kami ng 6k ngayong darating na october ata or sept. (Di ko masyado naalala yung buwan na sinabe nya kase namanting yung tenga ko iniisip ko bakit 6k) if I'm not mistaken september ang sinabe nya, gusto nyang bayaran namin ung advance na ginamit namin, so ngaung SEPT. 30 ang babayaran namin ay 6k kase gawa ng advance at yung upa, pag di kami nagbayad naman, ngayong darating na oct. 30 9k tama? Kase daw need daw nya pera, matapang lang pag sakin pag sa asawa ko hindi nya kayang kausapin, TAMA BA YUN MGA MOMS? GANUN BA TALAGA PAG NAUPA KA? TAMA BA YUN? PAKIRAMDAM KO PARANG MAY MALI, ALAM NYA MANGANGANAK AKO SA 1ST WEEK NG NOVEMBER E, PAKIRAMDAM KO PARANG INIIPIT NYA KAMI, NAG BIBIGAY NAMAN KAMI PAG MERON KAMI, ASAWA KO LANG NAG WOWORK NGAYON ALAM NYANG MABABA SAHOD NG ASAWA KO, NAIISTRESS AKO E, DI AKO EXPERT SA MGA UPA KAYA AKO NAGTATANONG KUNG GANUN BA TALAGA ANG KALAKALAN PAG NAUPA KA NA NEED MO BAYARAN YUNG ADVANCE MO AT DEPOSIT PAG NAGAMIT MO O GINAMIT MO, PAKIRAMDAM KO PARANG MAY MALI. ??

1 Các câu trả lời

Baka momsh gusto niyang mangyari, meron padin kayong advance at deposit sakanya. Pangsecure kasi yun, sempre negosyo pa din niya yan kahit papano. Ang nagyari kasi nagamit niyo yun, usually kasi sa mga paupahan po, ginagamit lang yung addvance payment sa last month ng stay niyo kung malapit na kayong umalis or magend yung contract niyo. Tapos yung deposit naman ayun gagamitin para sa maiiwanan niyong mga billings or damages sa house. Pero sempre depende pa din yan sa naging usap niyo before kayo lumipat jan or kung meron kayong kontrata na pinirmahan. Better din kada bayad hingi kayong resibo po. (Which is dapat laging meron naman talaga.) At pagusapan niyo po ng kasama kayong magasawa, hindi yung ikaw lang.

At pag ginamit namin lahat 9k lahat

Câu hỏi phổ biến