9months being preggy.

October hindi na ako dinatnan, nakaramdam na ako ng hilo pagsusuka, pagkababa ng dugo. Pero todo deny ako na buntis ako, sabi ko sa kanila mababa lang dugo. November, naka experienced ako ng pananakit ng puson, sabi ko kaya siguro ako nahihilo kasi malapit na menstruation ko. Binilhan ako ni mother ng Ferrus, ang nakakatawa folic acid binili niya kahit d ko pa alam na juntis na ako. Nagcravings na ako ng foods lalo na ng fries. Todo suka ako ng suka every morning na may kasama pang hilo. December, ibinili ako ng balut which is one of my favorite, para tumaas ang BP ko na 90/60, pero nakakapagtakang isinuka ko lang din. Kahit itlog pugo ayaw ko din. Dito nag deside na akong mag pt, nagpabili ako sa bf ko. Dec. 28, 6am lumabas ang result. And it's positive.? Naghalo talaga kaba ko, saya at takot, ung napatingin na lang ako sa salamin ng banyo with matching takip pa ng bibig at nanglalaking mata?OA eh. Ayon tuwang tuwa si bf, hapon ding yun sinabi ko sa family ko. Buti na lang natangap nila kahit todo deny pa ako nung una kahit may hinala na sila. January, 2nd week of January first time ko mag pa check up sa center para mag pa CBC. Sakit habang kinukuhanan ka ng dugo?. Itong month din na to namanhikan ang family ng bf ko.? Umabot ng 4 months ang paglilihi ko. Makakakain lang ako kapag may hinog na manga, sarap eh? February 20, ikinasal kame ni bf, civil wedding lang pero super saya? Nag ka uti din ako kaya naka ilang balik sa center. Kaya pala masakit lage ang balakang ko at madilaw ang urine. Nag water theraphy ako 3liters a day ang iniinum kong tubig. Hindi ko na din ininum ung pangalawang gamot na nereseta sa akin for uti. Sa awa ng Diyos naging ok din. March, inject inject na for anti tetano. And my first Ultrasound. Lumabas na baby boy, sobrang tuwa ng asawa ko, sa sobrang tuwa niya napapakanta siya ng "it's a baby boy" habang nasa tricycle at pauwi na sa bahay.? Nakakatuwa siya hehe. April, inject ulit at nakakaranas na ako ng leg cramps. Bigla ka na lang magigising sa sobrang sakit. Namamanas na din ang paa ko, buti na lang nakakapag walking ako sa umaga at hapon. May18, my 24th birthday with my big tummy.?Super blessed. Katapusan ng May nag pa ultrasound ulit ako, at ang EW ni baby ay 1.6kg lang, nakita un ng midwife sa center kaya cheneck niya si baby. Dapat daw kasi atleast nasa 2.5kg si baby kapag lumabas, yun daw normal weight, baka daw kasi magka problema si baby kapag lumabas siya na mababa ang weight. ? Nung cheneck si baby ayaw magpakuha ng heart beat, 10minutes din siguro bago niya narinig heart beat ni baby. Feeling ko tuloy sinutil ng baby ko ung midwife kasi nasabihan siyang maliit? June, kabuwanan ko na. Nag aalala ako baka hindi man lang nag gained ng weight si baby. June 17, 2am parang may nararamdaman na akong kakaiba, para siyang sumisiksik sa baba at d na ako makatulog dahil sumasakit na tiyan ko. 4am ginising ko asawa ko, kasi every 5 to 10munites sumasakit na tiyan ko, saktong wala pang kuryente nun. 5am nag lakad lakad pa ako sa labas kahit sobrang sakit tuwing humihilab. 7am naligo na ako pero wala pa ding lumalabas na mucus. 9am dumeretsyo na kame sa Emergency. Ang pinakamahirap,9am 9cm mag isa ko lang sa deleviry room. Ayaw pa din lumabas ni baby, kaya pinapunta muna ako sa labor room. Wala akong kasama, bawal pumasok ang mga bantay. Sobrang sakit nun kada iri ko tapos wala man lang nakaalalay, kahit papunta lang sa banyo. Tapos 10am may nakita akong dugo kaya balik ako sa delivery room. 9cm pa din at d pa pumuputok ang panubigan ko. Kaya balik mag isa sa labor room. Buti nakagawa paraan si mother at hubby na mabigyan ako lahit na tubig lang. 12am may lumabas ng water sa diaper ko, balik ako delivery room pero 9cm pa din, d ko na kaya na bumalik pa sa labor room nung pinapabalik ako. Pinatagilid ako at pinairi. Yun ata pinakamasakit, sobrang sakit tuwing nahilab. Yun bang kailangan mo patatagin sarili mo kahit hirap kana, sobrang antok ko that time pero pinilit ko pa din magising. 2:25pm, lumabas din sa wakas ang baby ko. Via Normal delivery, at nakakabilib na umabot siya ng 3kg. Lahat ng sakit hirap at antok ko, biglang nawala nung lumabas na siya.? Thank you lord sa blessing. Ngayon mag 4months na ang baby Arkin ko.? Share ko lang.?

Câu hỏi phổ biến