Oblong At pahaba Ang ulo ni baby
Oblong At pahaba Ang ulo ni baby.. may pagasa pa po ba na umayos Ang pagkabilog nya? Any tips pls.. 1month 1week n po sya.. naistress na po Kasi ako kakaisip paano ggwin para bumilog ng tama ulo nya.. ayoko kc dmtng un tym na mabully sya dhl s ulo nya. #advicepls #1stimemom
ganyan din ulo ng baby ko medyo mahaba, nag worry din ako nung una pero advice sakin hilot hilotin ko daw at mag fform din daw habang lumalaki. medyo pa ok na sya ngayon konting hilot pa. dont worry mami wag ka ma stress tyaga lng ng hilot, pero yung hilot mo dahan dahan lng kasi malambot ulo ng baby ntn.
Đọc thêmHello Sis, magiging ok din po yan. Malambot pa kc ulo ni baby, kaya pa yan sa tamang paghilot. Yan din ang worry ko sa baby ko noon, ganyan din xa parang kalbo un unahan ng ulo nya kaya mas halata. Pero ngaun di na kc may buhok na un harapan nya. And bumilog na din ulo. 1 year old na si baby ko
Si baby po medyo pahaba din nung pinanganak dahil nahirapan ako sa pagpush. Mag 6 months na po sya, bilog na bilog na ulo nya. Hindi po ako gumamit ng pillow nung baby sya. Hinayaan ko lang na naigagalaw nya ulo nya. At iniikot ikot ko din pag napansin ko matagal na sa isang side.
Aayos din sa normal yan sis. Mas malala pa nga dyan ung ulo ng lo ko noon kasi mejo naipit nung nilalabas sya kaya nagkaron ng parang lundo sa may bunbunan nya. Kapanget tlga. 😅 pero ngaun okay n shape ng ulo nya. Nawala n din lundo. Tamang hilog hilot lang din. Ngayon one year old n sya.
Ganyan din po ulo ng baby ko nung pinanganak ko siya dahil nahirapan po akong umire since FTM ako. 21 days na yung baby ko ngayon pero dina kasing haba nung nilabas ko siya yung ulo niya now. Hinihilot kasi namin tuwing umaga and smooth na tuwalya lang yung pinang uunan ko sakanya.
ipag sumbrero mo lang po mommy. tas sa umaga ikiskis mo po yung dalawang palad mo hanggang uminit tapos po imassage mo po sa ulo ni baby pero gentle lang. Ganyan din po yung sa panganay ko nabitin kase ko sa iri non.
Sakin po mommy hinihilot ko, tyagain mo lng mommy pra kay baby. hndi dn pantay ulo ni baby ko tapos nung 2 months na sya ginagalaw galaw nya na ulo nya.. Ngaung 4 mos pantay na po sya🙏🙏 1st time mom dn☺️
sa mga baby ko po Tuwalya nipapaunan ko para hindi humaba ang ulo or maoblong.. naipit ko kasi yung panganay ko nung pinapanganak ko sya ayun Tuwalya pinaunan ko.. ok naman na po ngayon..
Sakin po flat yung ulo ni baby sa likod :( same na towel din po pinagamit ko sa kanya.
Napigil sa ere ginawa ko po dyan sa panganay ko.. Ngpalubo po ng plastic ng yelo tpos un po un pinang massage ko sa ulo nya ayun nging OK nmn po ulo nya
kusang bibilog po iyon.. kapag natutulog po, wag palagi one side ang ulo ni baby, paghalilihin nyo po na left at right ung pagkakalagay ng ulo po nya
Full time mom.