Obligasyon ba talaga ng mga anak na buhayin ang mga magulang kahit may sarili na silang pamilya?
Hindi dapat nag dedemand ang magulang na suportahan sila ng mga anak. Kung magbibigay ay voluntary iyon ng mga anak. Ang mga anak naman, yung respeto at pagmamahal sa magulang ay dapat pa ding pinapairal kahit may sarili na syang pamilya at ang pagbibigay ng financial or material na bagay ay parte ng pag respeto at pagmamahal pero hindi ibig sabihin na hindi mo sya buwan buwan binibigyan ay hindi mo na sya mahal. Kung walang wala talaga ang magulang ang isang solusyon na pwede kong mai-share ay ang pag provide sa kanila ng maliit na pang negosyo kung saan pwede nila itong palaguin. Not unless nobenta anyos na ang magulang natin. Pag ganoong edad naman ay kailangan na natin silang laanan ng panahon kasama natin sa bahay, mag laan tayo ng sarili nilang kwarto para kahit paano ay maiipakita pa din natin sa kanila na mahal natin sila.
Đọc thêmSa ating mga Filipino talaga kahit may sarili na tayong pamilya sinusuportahan pa din natin ang mga magulang natin as way of thanking them dahil nakapg tapos tyo ng pag aaral, sa mga well off na family hindi naman to applicable sa mga pamilya lang na average ang income
Nararanasan ko yan ngayon ung magulang ng husband although nakatira sila sa probinsya hindi maiiwasan na nagpapadala pa din siya lalo na ngayon na matanda na parents nya kapag may sakit at naoospital kahit gipit kami binibigyan pa din namin dahil magulang niya un
Hindi po. It's the other way around. Obligasyon ng magulang na buhayin ang mga anak nila. Ang pagbibigay sa magulang ay kusang loob at simobolo ng pasasalamat at hindi ito dahil sa obligasyon.