7months preggy
Hi. nung naglihi po ba kayo sa baby boy nyo, ayaw nyo sa amoy ng bawang? kasi nung naglihi ako di ako maselan sa perfume at amoy ng bawang pero boy ung 2nd baby ko ngayon ayon sa ultrasound. ung panganay ko sobrang selan ko sa perfumes ayaw n ayaw ko. boy dn ung panganay nagtataka lang ako kasi magkaiba paglilihi ko hehe
ako yung naglilihi ako sa baby boy ko ayoko ng amoy ng ginigisa na bawang, luya, sibuyas 😂😂 nasusuka ako kapag ganung amoy kaya ayokong ulam dati Tinola eh tapos ginisang sardinas. tapos sa perfume ayoko ng panglalaki na amoy 😑
Yes ! Aq KC nung nagbuntis Ako Sa panganay, bawang,sibuyas,downy at IBP. Andami Kong inaaywan ,Gaya nlng Ng adobo ...ngyun na baby girl na pinagbbuntis KO di na Ako mshado maselan Sa kinakain q😍
Hahaha , gustong gusto ko ung bawang lalo na kapag magsasangag ako , tinutusta ko pa ung bawang nun nung buntis ako 😂 halos araw araw nagsasangag ako umaga tanghali gabi 😂
Ang hilig ko sa bawang nung buntis ako lalo na pag bumibili ako ng mani pinapadagdagan ko talaga ng bawang. Amoy lang ng efficascent ang ayaw ko 😊
Sis, same tayo. Yung amoy ng baby daddy ko nung nabuntis ako ayoko na. Pati bawang nasusuka ako, kaya Pati fried rice iniiwasan ko now 😂
Iba iba naman po. Ako ayaw na ayaw ko ng bawang nung hindi pa ako buntis pero nung nabuntis ako ang hilig ko sa bawang. Baby boy si lo.
Kakaiba tlga ang lihi sis. Aq nman trip ko bawang at hilaw sibuyas. Pero mawawala rin yan in time
Ako po 14 weeks pregnant ayaw kopo ng amoy ng bawang at kahit anong maasim na pagkain huhu
Nung boy pinagbubuntis ko dati ayaw ko sa amoy ng joliibee hahaha
Ganun na ganun din ako sis.iniiwasan ko tlaga hanggang maari hahaha.
Hindi lang bawang kundi pati sibuyas hehe
Raketerang nanay