31 Các câu trả lời
No ! kailangan mo takaga itake yun sis para sa baby mo yun eh kahit sabihin pa natin na normal lang sya di natin alam ano mangyayari kasi nasa 1st trimester palang sya . Wag mo balewalain yung nirereseta sayo ng OB mo kaya nga tayo nagpapa prenatal check up eh para maka sure tayo na okay si baby natin and pag first check up mo talagang bibigyan ka ng OB mo ng pampakapit and Multivitamins lalo na't nasa 1st trimester ka palang , ako nga sis first ko nagpunta sa OB ko 4 weeks and 3 days palang ako nun tas neresetahan ako duphaston para itake 2x a day for 2 weeks then pagka 5 weeks ko nag spotting ako kasi tumutulong ako nun sa gawaing bahay then pagka 6 weeks ko nag punta ako ulit sa OB ko para ipa alam sakanya na nag spotting ako then niresetahan niya ulit ako ng duphaston 3x a day na for another 1 week pati isoxilan 3x a day for 2 weeks naman and advice niya na mag bed rest ako then ginawa ko yun lahat ng sinabi ng OB sakin for the sake of my baby tapos bumalik nanaman ako pagka 8 weeks ko and Alhamdulillah okay na si baby and binigyan ulit ako isoxilan para itake ko nanaman another 1 week pero 2x a day nalang . itake mo talaga yung pampakapit mo sis kahit sabihin mo healthy naman si baby mo hindi ka naman ata ipapahamak ng OB mo eh kasi alam din naman nila yung ginagawa nila and para naman sayo and sa baby mo yun .
Mommy much better po na sundin ang OB sa case ko unag check up ko sa OB wala pang ultrasound pinainom na ako ng duphaston 2x a day so ininom ko naman 6 weeks ng nag take ako ng pelvic ultrasound seems all normal ang heart beat may nakita embryo at yolk sac at take note walang nakitang subchorionic hemorrhage pero ngayong 8 weeks ako at kumpleto sa pag inom ng gamot ayun nag bleeding ako diretso ER at IE pa ako buti nalang talaga naagapan at binigyan ako ng reseta na progesterone at dagdag inom duphaston 4x a day mommy imagine tas nakita sa TransV ko kanina may subchorionic hemorrhage ng nabuo kaya wala namang masama mommy kung inumin ang gamot na reseta ng OB para naman sa ikabubuti natin yun.
Para po sa akin makinig po kayo sa sinasabi ng ob kasi sila po ang mas expert pati delikado po talaga ang 1st trimester para nalang din po sa baby nio yan. Don't worry po makakatulong po yan sa inyo. Ako nagtake din ako ng 3x a day for 2 weeks ng duphaston sa 1st baby ko kahit na miscarriage din ako sa ikaw 3rd month niya nag open naman cervix ko may nireseta lng siya sa gamot nun. Ngaun after 2 months buntis na ako ulit at same ob ko niresetahan ako ulit ng duphaston 3x a day for 2 weeks at iba pang mga gamot. Naigi po na makinig tayo sa ob sila po ang mas may higit na may alam.
Ang mahal kasi ng Duphaston noh sis? Tapos 3x a day pa. Pero me reason bakit kayo niresetahan nian. Kadalasan ung me mga history na ng nakunan at mga buntis na ‘high risk’. Gusto lang siguro ng OB nio makasigurado. Ayaw nia magka complication. Baka during assessment nia eh mataas chance mo makunan. Mas mabuti na din inumin mo. Wala naman mawawala. Infact makakatulong pa yan sayo. If hinde ka agree. Pede ka lumipat ng ibang OB tapos sabihin mo concerns mo. Ako ung una OB ko 3x a day din ako. Pero sa bago ko OB pinag once a day nalang ako.
Kaya nga po eh! Bumili na din lang ako, hehe humingi lang din ako advise kasi nacurious ako.
Niresetahan din ako ng duphaston 2x a day nung nalaman na buntis ako since binase narin sa history ko na PCOS and nanigurado lang din OB ko na kumapit si baby. Nung nag spotting ako 12wks, ginawang 3x a day. Kahit mahal po, tinake ko dahil mas mahirap yung bigla na lang mawala ung pinaghirapan mong buuin. ☺️ At gaya ng sabi ng iba, 1st trimester ang pinaka maselan kahit pa po anjan na ang heartbeat ni baby at normal lahat ngayon pwede parin pong may mangyari kasi nga developing pa siya. Better to be safe na lang po. 😅
Hello po, Ako po pang 2nd baby ko na same OB pa din po ako, nagpacheck up ako nung April 8 kinapa niya puson ko tapos binigyan na niya ako ng folic acid tapos niresetahan na din ako ng Duphaston 3x a day sinunod ko na lng yung OB ko kse siya ang nkakaalam kung bakit niya ako binigyan ng ganon.. Wala pa din ako TransV Ultrasound baka after holy week😊😊 Sundin mo na lang po yung sasabhin sayo ng OB mo kase po siya po ang nkakaalam, at may reason namn po kaya nireresetahan tayo ng OB natin . Salamat po😊😊
Hehe mejo nag alangan lang po kasi normal naman lahat tapos need pa dun. Pero magtake na lang din po ako. Salamat po sa advice 😊
Pinag take ako ng Duphaston 3x a day nun first tri ko and nun na confirm un pregnancy with heartbeat nun 7.5 weeks ako, pina continue nya lng sakin the whole first tri. Medyo mahal lang sya pero sinunod ko naman with my other pre natal vitamins. Iba iba kasi interepretation ng mga ob, if hindi nyo masyado bet mag take ng duphaston eh inform nyo po ob nyo. Bka nman pabawasan na lng ng once a day. Pampakapit po kasi un e at maselan po ang first tri kasi kht sabhn natin may heartbeat na ang baby.
Okay po, salamat po sa advice. Nakabili na din po ako nung reseta, hehe
Mommy, hihintayin mo pa ba na di maging ok si baby bago ka uminom ng pampakapit? Makinig po tayo sa OB natin. They know what to do po at di naman po nila tayo ipapahamak dahil sa kanila rin ang balik nun. These methods/procedures are there dahil napag-aralan na po nila yan. Hindi po ibig sabihin na nagwo-work dati sa panahon ng mga magulang natin na wala naman masyadong tine-take e ok na gayahin. Let’s take advantage of the medical studies and advancements.
Mahal ang duphaston kaya nag alanganin ka mag take for sure pero ni resita yan para sa inyo ni baby hindi nag base sa HB ni baby ang viability niya especially sa first trimester nakikita yan ng OB Sono sa TVS madami factors kaya binigyan ka ng duphaston. I would highly suggest na take mo kung ano sinabi ng OB mo para sa safety ng baby mo wag maging madamot mommy baka magsisi ka sa huli. Magastos talag magka anak at dapat ready tayo jan.
bakit po kayo pinagtake ng almost a month?
yung Duphaston po kasi pampakapit po. nagrereseta po nun ang OB kapag first trimester para masigurado po na safe ang baby. hormone po kasi yun na nakakatulong sa development kaya pinagte take kayo nun kahit di pa nadetect yung baby. swerte po kayo kasi maayos nmn si baby and may heartbeat kahit di kayo nagtake. sa iba po kasi kapag di nagtake nun or kahit taking nung gamot e nakukunan parin.
Wala po, kahit spotting or anything wala kaya mejo nagtaka lang ako kung bakit need pampakapit. Hehe anyway bumili na lang din ako para sure. Salamat po sa advise ☺️
Jenica Orlanda