117 Các câu trả lời
Inuutusan nya ko Pero mas madalas ko syang utusan hahha. Sa bahay kasi kme ng parents nya nakatira nung nandto sya ii. So minsan mag uutos lang un kumuha ng tubig or nh fuds sa baba. Lalo na pag busy kme manood ng tv 😂 Di talaga sya mautusan 😂
Hindi na ako inuutusan ni mr.nung nalaman naming buntis ako. Nag uutos lang xa na bumangon ako ng maaga ng mag exercise sa labas yung palakad2 lang ba. Tas xa na magluluto at maglalaba. Hiya nman ako kaya taga sampay nalang din at hugas ng plato.
never ako inutusan ni mister sadyang ako lang talaga kumikilos kusa kahit ayaw nya pero sya naman naglalaba gawain ko lang magluto tapos sya na lahat pag nasa work sya inaantay ko pa kasi ayaw nya maglalaba ako o gagawa ng mabibigat na gawain
Never nya akong inutusan kahit pagod sya sa work. Sya talaga ang gumagawa ng gawaing bahay lalo na sa paglalaba. Natatakot rin kasi syang makunan ulit ako. Pero minsan pag nabobored ako magkikilos namn ako pero yung light lang.
Share kami sa mga gawaing bahay. We are both working from home kaya nama-manage namin yung time namin. Ngayong buntis ako, sinasabihan nya ako na wag masyadong galaw nang galaw. Sya naman sumasalo saga household chores na di ko na kaya.
Okay lang sakin kung ikukuha cia ng tubig at ipag hahapag ng pagkain. Pero in my experience never pako inutusan ng asawa ko gumawa ng gawaing bahay. Ayaw niang napapagod ako.. Pero okay lang sakin na gawin bsta magagaang bagay lang..
Hindi nya ako inuutusan nun buntis ako. Pero ako nag huhugas aki ng pinggan, tupi damit nun nag 2ng trimester lang me. (Kusang loob ko, kasi nahihiya din ako walang gngwa) 3rd hindi na.. kasi maselan na yun lagi na ako nako confine..
Hindi po, kasi ikaw nkakaranas lahat ng hirap ng pagbbuntis kaya dapat ikaw ang inaalagaan nya.. Yung asawa ko po (share ko lang) sya lahat gumgawa ng gawain kahit pagod sa trabaho ayaw nya ako pakilusin lalo na sa pglalaba..
lahat ng gawaing bahay yung hubby ko gumagawa kahit may work sya kaya nagkukusa nalang ako na tulungan sya. besides, kung di naman maselan pagbubuntis nakakatulong yung gumalaw galaw sa bahay para di mahirapan manganak.
Mas okay yun para sa mga buntis na gumalaw galaw, ako nga maselan pagbubuntis ko, pero kht ayaw nya gumagalaw galaw ako. Nakakatakot kasing mamanas. Sabi nga sa kanta ng mga inmates. Galaw galaw, apra di pumanaw. 🤣