Nung friday po kasi June 5, 2020 nag pa laboratory ko sa urine at OGTT.. Sa OGTT after ng unang kuha sakin ng dugo may pinainom sakin tas after nun napansin ko na dagdagan ang manas ko di ko natanong kung ano ung pinainom sakin. Fast forward, pagkauwi ko sa bahay mejo ok pa ako pero nung kinagabihan mga 9:30pm na ata un pagtayo ko sa pagkakaupo para akong naihi kaya dali dali akong tumakbo sa banyo.. Kaso dun na nagsimula.. Nagkataon pa na may naliligo sa banyo eh di ko makontrol ung ihi ko.. Naka apat na palit ako hanggang sa nung patulog na ako naglagay na ako ng napkin pero bago pa ako makatulog nakailan palit pa ako.. Pag nakaupo o nakahiga walang nalabas.. Pero di ako makatulog ng ayos kasi nag woworry ako.. Hanggang sa kaninang umaga meron pang konti nitong hapon na wala-wala na tas nitong gabi konti halos wala na.. Di naman ako makapag pacheck up kasi ang follow up check up ko sa june 11 pa nagsabi ako kay mama sabi ko kahit sa lying in pacheck ako.. Sabi sakin mag antay nalng daw ako ng check up ko.. Tas aantyin ko nlng sana ung nagpapaanak dito samin para makapag tanong ako.. Sabi kasi ni mama baka nabalisawsaw lang ako sorbra kasi init... Pero di ako mapakali.. Dahil ba tu sa pinainom sakin para sa OGTT o dahil sa init lng.. Nag woworry ako sa baby ko... 33 weeks and 1 day palang po ako..7 months palng.. Pero wala naman akong pain na nararamdaman.. Maliban dun.. Please po need ypur advise.. ?