mga mamshi naniniwala ba kayo sa mga multo mahaba ang kwento ko sana basahin nyo

nung buntis palang kasi ako may nakikita na si hubby na lalaki na tinitignan kami kapag natutulog parang binabantayan ako dun nag simula lahat. hanggang sa lumabas na si baby ngayon hindi nakakatulog si baby dito sa bahay namin pero sa bahay ng lola nya ang sarap sarap ng tulog kaya 1 time ung tita ni hubby nakakakita (by the way family ni hubby lahi nila nakakakita pero si hubby hindi masado nakakakita) dinalaw niya kami ng gabing gabe kasi sinabi namin iyak ng iyak si baby at hindi makatulog pag pasok palang niya ng sala namin marami daw sa sala alam niyo na multo ganon tapos pag pasok niya sa kwarto tinuro niya ung sa bintana malapit sa crib ni baby dun na dun nakikita ni hubby ung lalaking tinitignan ako palagi sinabi niya isarado palagi yung bintana dun kahit pag labas ng tita nya nakita nya pa din ung lalaking parang nag babantay sakin hindi ko alam kung ako ba o si baby binabantayan nya pero simula kasi nag buntis ako dun lang lumabas ung lalaking un tapos si baby nananaginip malapit na siya makatulog bigla bigla iiyak sya na parang natatakot itsura nya kaya halos hindi na siya natutulog hindi ko alam kung dahil ba dun sa lalaking un o hindi lang talaga makatulog si baby pero sa bahay ng lola ni baby halos 6hours tulog sya samin halos hindi na matulog advice naman mga mamshi sino dito nakaranas ng ganito? alam ko parang hindi kapani paniwala pero base kasi yun sa experience ko talaga hindi ko alam gagawin ko para maging comportable dito sa bahay si baby ayoko namn kasi siyang ipastay sa bahay ng lola nya kasi baka lola na niya isipin niyang mommy niya at hindi ako help naman nga mamshi

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi,ako naniniwala saam8n kc mangagamot nanay ko,at sa expirnce ko nakakita ta nakaka ramdam ako,ng maraming d nararamdamn ng iba,madalas sa alanganing oras,ganito gawin mo,mag lagay ka ng asin sa bintana paligiran mo,tas walis ting ting itaob mo sa likod ng pinto ng kwarto at papasok sa sala nyo,ung dpa na gagamit na ting ting mag lagay ka ng palspas sa bintana,lqgyan mo ng tinale sa tela ung baby mo ng luyang dilaw,bawang at dinurog na insenso,ilagay mo sa isang supot na maliit lang pwede mong bitbitin araw arw para kabit sa katawan ng anak mo wag mo ihihiwalay sa kanya un,bago mag 6pm mag insenso na kau, tapos sarado mo lang ang bintana,mag dasal ka lagi,wag ka pawawala ng ilaw sa mga parteng madalas mo nililingon at madilim lalo na sa kwarto nyo,minsan na kopya yan ng mukha ng isa sa kamag anak mo or si hubby wag na wag mo ipapahawk sa iba ang baby mo,si baby mo ang puntiria nya,hindi xa bantay, kaya lagi kang mag dasal,wag papa wala ng asin sa bahay mo ah,at kada bago mag 6p mag iinsenso kayo,ung walis tingting wag mo kalimutan dapat laging nakataob sa likod ng pintuan

Đọc thêm

I don't intend to poke fun at your husband's family, but do think... kung multo or ano mang masamang elemento yang nakikita ng asawa mo at ng tita nya, sa tingin mo mapipigilan ng pag sarado ng bintana yun ginagawa nyang kung ano sa baby mo? 😅 Sabi ng MIL ko, na pinaniniwalaan ko din, ang babies may pag papatulog na nahihiligan. For example, pag buhat ko or ng MIL ko ang daughter ko, mabilis sya makatulog. Pero sa daddy nya, sa mommy ko, sa aunts nya kung hindi matagal, ayaw talaga matulog. Kahit sa pag sway ng duyan, may gusto sila kung paano. Kaya patulugin ng MIL ko sa duyan si baby dati, ako hindi ko nakuha yun technique nya ever. Lol. So tignan mo paano napapatulog ng lola si baby. Better yet, paturo ka. Mas madaming tips and tricks si lola given na veteran mom na sya. And to answer your question, I don't believe in ghosts in any shape, way or form. Bad spirits are a different story though. Don't entertain them and just pray. "DO NOT FEAR FOR I AM WITH YOU..." Isaiah 41:10 ✌🏻

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pray kayo together as a family momshee. Basahin nyo po ito ng malakas at magtiwala po kayo kay God thru the LORD Jesus Christ. God's Word and His love never fails. "Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon." Mga Taga-Roma 8:38‭-‬39 RTPV05 https://bible.com/bible/399/rom.8.38-39.RTPV05

Đọc thêm

mas okay po cgro kung lipat kayo ng house or paBless yung bahay nyo. may mga ganyan tlga, di mn ako nakakakita pero hindi mo maaalis n my ksama tlaga tayo gnyan..yun dati rin namin inuupahan may nakikita asawa ko lagi sya binabangungot, mabilis pasok ng pera pero mabilis din mgastos, lagi din kmi ngAaway ng asawa ko dun at magulo relasyon nmin..nun umalis kmi naging smooth nman lhat samin pti finances...so naniniwala po ko n may swerte at malas n bahay.

Đọc thêm
6y trước

tigalpo po tawag dyan...yan un mga nilalang na kasama natin na hindi natin nakikita..yang ganyan ay nagdadala satin ng kamalasan sa buhay minsan nagbibigay din sila ng sakit satin..pra mapaalis po natin sila gawan po natin sila ng isang orasyon..mag sindi ng puting kandila kada biyernis ng gabi at mag insenso..siyam na beses kada biyernes..pwede dn namang 9 days sunod sunod na gabi

Nabinyagan na po ba si baby nyo wala naman po masama maniwala sa mga sinasabi ng ibang momy natin dito yung ibang kaya mong gwin sa payo nila or advice sundin nyo po at tama dasal lang katapat nyan kaso nga lang nakakatakot pag ang pontrya ay si baby dimo sya bantay 24/7 so pano makakasure na ligtas sana naman lumayas na yang maligno sana inyo in jesus name🙏🙏🙏

Đọc thêm
Thành viên VIP

I sense something not normal, sa mga ganyang sitwasyon dapat mas malakas ang kapit n'yo kay lord si lord lang. I don't discriminate any other religion pero please 'wag kq pong hingi ng tulong o umiyqk sa harap ng rebulto o kahit na anong santo kay lord lang dapat, diyos lang dapat. S'ya lang makakapqg cast away jan.

Đọc thêm

bakit hindi nyo po subuking limipat ng bahay. tapos sa Dios nyo po ipanalangin ang nangyayari sa inyo, kasi totoo pong may maligno pero ang pananampalataya sa kapangyarihan ng Dios upang mapalayas ang mga masasamang espirito ang tanging makapangpangyayari. magpa-bible study po kayo sa bahay to drive away those bad spirits.

Đọc thêm
5y trước

Pardon my ignorance po, ano po yun maligno?

hindi naman masama maniwala jan sis.payo ko nlng ipabless ang bahay niyo at palagi kayo magdasal. maglinis ng bahay baka kasi naiirita din si baby sa paligid. saka minsan pag ganyan, sinusubok ang faith natin kay God. baka minsan kasi nakakalimot na tayo magsimba o magdasal. have strong faith sa itaas.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi ako naniniwala sa multo. Feeling ko imagination lang yun ng mga tao. Baka mas comfortable talaga baby niyo sa bahay ng lola niya. Maybe it has something to do with the temperature, humidity, lambot ng higaan etc.

Ipabless mo po yung bahay momsh tapos magpatugtog ka ng mga Christian songs ng malakas araw araw. Magdasal din po kayo para sa guidance and protection at pasuotin nyo po si baby ng pulang tela.