Need advice
Hello Mommies. I need your expert advice and opinions. Nahihirapan na kasi ako magdecide. Me, my hubby and baby (6mos) are living with my parents. Kami kasi ni hubby ang nagsusupport halos lahat sa parents ko. Pero lately parang di na komportable si hubby sa bahay. Di nya gusto ang ugali ng parents ko na easy-go-lucky. Ako kasi ang bread winner sa amin. Nasanay ang parents ko na binibigay ko lahat. Kaya bago kami ikasal Nagdecide kami magbigay sa parents ko ng medyo malaking halaga para pang business nila. Pero inabot ng 1 taon walang nangyari sa pera. Since nag asawa na ko at may baby na din kami gusto sana ni hubby na focus na namin ang family namin. Kaya gusto nya dun muna kami sa patents nya habang maliit pa si baby dahil dun marami makakasama si baby. Nasanay kasi sa parents ko si baby na maraming kalaro like mga pamangkin ko, tita/tito ko, mga pinsan ko. Naiinip si baby pag kami lang ni hubby ang nakkita nya sa bahay. Ang problem ko kasi distance ko sa work ko (3hrs travel time) pag nasa mga byenan ko kami maiiwan lang si baby sa tita ni hubby twing susunduin nya ako di ako komportable dahil nahihiya din ako sa tita nya. Gusto ko na sana mag apartment na kami malapit sa work ko para mas madali. Iniisip ko lang baka si baby naman mahirapan mag adjust dahil para syang makukulong sa bahay. Ang kasama lang nya ako si hubby at yaya nya. May naka experience na ba na biglang na isolate ang baby nyo from extended family? Paano sya nag adjust? #advicepls thanks po.