41 Các câu trả lời
hello mhie... buti po kayo hindi po nagsusuka😊 ako naman po ay almost 2 months po nung na-confirm kong buntis ako, irreg po kasi dalaw ko. Tapos noong confirm na nga doon po nagsimulang di ko magustohan amoy ng sinaing na kanin, ginisang sibuyas at bawang. Pag kumakain po ako sinusuka ko lang po lahat🥴 tuloy tuloy po yan hanggang 9 months po😅🤣 manganganak na lang po ako kinabukasan ay nagsusuka pa rin ako🤣 kaya baby ko po paglabas ay 2.225kg lang😅kaya pray po kayong di po kayo magsusuka😊😊
sanaol po hahaha ako kasi 2nd tri na sige ko parin suka lalo sa umaga , ang lala parin ng morning sickness ko yung gutom ka tapos tamang kain ka para di ka masuka pero nasa kalagitnaan ka palang ng pagkain susuka ka na , anything na itake ko sa umaga mapa gatas , warm water or kahit isang pirasong tinapay isusuka ko yan , swerte nyo po at di kayo nakaranas ng pagsusuka and normal po yan kanya kanya po kasi tayong katawan at signs ng pagbubuntis stay safe po.
Halos same lang po tayo, mga pinagpala daw po ang mga hindi nagsusuka habang buntis kaya pahinga lang po at relax lang. Iba iba po talaga ang experiences ng mga buntis basta po kumakain ng ayos at umiinom ng vitamins, okay lang po yan. Wag lang din po hahayaang lagnatin o may kakaibang nararamdaman, itext po agad ang OB o pumunta sa ER para po masolusyunan kung may problema. Good luck!
Good for you hindi ka nakaranas ng pagsusuka dahil mas mahirap yon kasi ako hanggang 4months suka nako ng suka lahat ng kinakain ko sinusuka kolang kaya din bumaba timbang ko pero umokay naman nawala lahat ng paglilihi at pagsusuka ko nung nag 2nd tri ako. Currently 33weeks nako now sa pag tulog nalang ako hirap at dalas manigas ang tyan
Sana all po mommy hahaha, Sa 1st and 2nd trimester ko po, halos di tlga ako makain - ang dami ko pong ayaw na food, tapos minsan kakain ka isusuka mo nman, kahit mga sa pag toothbrush lang nasusuka pa ako. Ngayon nalang po ako bumuwi na 7 months na po ako. But I enjoyed na journey nman po, Kaya ikawxdin mommy just enjoy it po :)
ako po di rin nagsuka for my 1st and 2nd month pero nung mag 3months na lakas na ng pang amoy ko lalo sa ginisa pumayat din ako ng halis 2kilos kasi kada kain ko susuka ako pagkatapos. pero mas okay yan kung di ka nasusuka ang hirap kasi pagnagsusuka. as long as goods si baby no need to worry
First time mom here, ning pinagbubuntis ko Yung baby ko hindi rin ako nagsusuka I wonder why, baka hindi normal to pero ning tinanong ko OB ko normal Naman daw tas okay din ako sa mga kinakain ko diko rin sinusuka parang Wala lang talaga😂😂 normal lang po yan mi🥰
wow sana ganyan din ako hehe 😅 nako ako na admit nlng kasi halos di ako makakain lahat sinusuka ko 😭 hangang 5months suka lang ng suka bumaba potasium ko na admit na dehydrate ang hirap pag laging maselan 3rd baby ko na di ko na ranasan ung di mag suka 🥹
Hi! Same scenario ❤️ Mag th-three mos na din kami, walang pagsusuka. Wala din ako aversion sa pagkain, nagka migrsine din ako nung early days ng pregnancy ko, ngayon yung likod lang dahil prone ako sa pagupo sa work for 8hrs 😂
Every pregnancy is unique sis. Iba iba po tayo nang mararamdaman kasi iba iba rin ang katawan po natin. That's good po na hindi ka nagsusuka kasi yan yong pinaka mahirap na part nga ng mostly sa mga mommy pagnasa first trimester.
Paris Montañano