Yung toddler ko dati nahulog din sa sofa. Sobrang laki ng bukol sa noo, kasing laki ng golf ball at malambot din. Dinala namin sa st.lukes para maasikaso kaagad kasi talagang malaki at parang puputok na sa sobrang maga. Pero pagka check sa kanya talagang bukol lang na malaki. Binigyan lang ng yelo tapos pinauwi na kami. Yung mga signs din na kailangan i-observe within 24hrs wala naman. Sinabi samin ng surgeon na kapag ang bukol ay sa noo, mejo wag daw mag-alala dahil yung skull ng baby/bata matibay na daw sa noo. Ang nakakatakot daw is pag bunbunan or likod ng ulo ang tumama kasi malambot pa at need talaga ng further examinations para ma sigurado na ok si baby. Mas ok din daw na pagka hulog ay umiyak si baby kaysa nawalan ng malay.
Yung mga signs lang mamsh na kapag hindi pantay yung pupil ng eyes, tulog ng tulog, unresponsive, iyak ng iyak at vomiting. Kapag 24hrs wala naman, ok lang si baby. 🙂
Daenerys