Alessiah Zephyr ?
Now I can call myself as a mom ? Meet my baby girl, Alessiah Zephyr. EDD: Dec 12, 2019 (BPS) DOB: Dec 6, 2019 (Friday) Time of Birth: 7:30 am Weight: 2.8 kilos Sobrang dami pinag daanan ng baby girl ko nung 9 months siyang nasa tyan ko like akala namin maooverdue na tapos iba iba pa due date niya; nasa tyan pa lang si baby puro away, stress at pagod na agad hanggang nung Dec 5, 2019 ng madaling araw, nagstart na ko makaramdam ng hilab ng tyan ko na nahihirapan na ko matulog, akala ko normal lang kasi baka kako nagtatae lang ako o nalamigan tyan ko kaya sabi ko sige obserbahan ko muna kasi nakakatae pa ko nun. Tanda ko 2 times pa ko tumae nun. Then nung bandang tanghali na, medyo tumataas na yung sakit kaya nagtext na ko sa midwife na magpapaanak sakin, pumunta raw ako ng 6pm kasi yun yung duty niya, pagkaI.E niya sakin 1cm pa lang then nung gabi na nga mas lalong sumasakit as in sobrang sakit na as in hindi ko na kaya, yung tipong nagpapahimas na ko sa nanay ko ng likod ko. Kaya nagpunta kami around 12am so December 6 na pagkaI.E sakin 3cm na tapos sabi ko dito na lang sa ospital ako manganganak kasi di kinakaya ng katawan ko natatakot ako baka di ko mainormal kasi dapat lying in ako manganganak. Umuwi ako saglit para mag ayos at maligo, nagstay pa muna ako saglit sa bahay para maobserbahan ulit kung kaya ko pa plus para di agad lumaki bill ko ? after 1 hour bumalik kami tapos I.E ulit, 4cm na. This time inadmit na ko kasi iba na talaga pakiramdam ko. So every hour mas pasakit ng pasakit. Hanggang around 5am pumutok na yung panubigan ko which is hindi ko expected na mas malala pala yung sakit, namutla ako, nag iba na kulay ko pati ng kuko ko, umiiyak at sumisigaw na ko tapos di na talaga ako mapakali kaya inoxygen na ko, Nakakatulog pa nga ako dahil sa pagod. tapos kaya matagal kasi inantay pa yung Dra na magpapaanak sakin kaya ginawa ko kinausap ko yun nurse, ang dami ko na sinasabi, as in para na ko loka loka. Tapos umire na daw ako pag nahilab na tyan ko. Ginawa ko naman hanggang sa dumating nga yung Dra. kaso di ko inexpect na may lalaki pala kaming kasama at sya yung dumadagan sakin para mailabas si baby. Sobrang nahirapan ako kasi di ko nahahabol yung hilab at yung bilang pero buti lumabas si baby agad. ? During naglalabor ako hanggang nanganak ako si mama kasama ko. Sobrang swerte ko talaga.