MY BABY GIRL IS OUT!!!!

November 19,2019 via NSVD (3.26kls) EDD: Nov. 22 LMP: Nov. 17 I just want to share my experience as a first time mom. Yung saya abot langit? Nov. 18 pumunta kami sa hospital para sa prenatal check up lang sana and then sinabihan ko si Doc about sa mga nangyari sa akin kasi nagwoworry na ako may lumalabas na pa konti konting tubig sa panty ko akala ko wala lang yun pero pag IE ni Doc sa akin 1cm na at may something nilagay sya sa pwerta ko at nakita nya na pumotok na pala panubigan ko so ni refer na agad ako sa emergency kasi manganganak na daw ko. Kaya ayon saktong pag IE ng OB ko pumutok na yung panubigan as in sobrang lakas ng agos kaya ayun diretso na labor room kasi pumutok na panubigan ko nilagyan na nila ako ng 10 evening primrose at may iniinject every 30 mins pampahilab sobrang sakit ng pagfoforce labor di ko na alam anong gawin sobrang pawis ko na nangingiyak na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko at balakang hanggang di ko na kaya ang sakit kaya ayon pag IE fully dilated na and diretso na naman delivery room pagpunta ko don sabi na ni doc push daw pero di ko alam anong gawin kaya ayon sa ilang push ko dinaganan ang tiyan ko ng mataba na midwife para lalabas na si baby kasi mataas pa daw tiyan ko habang ginagawa nya yun di ko na kaya nawalan na akong hininga at sinabay ko ng sobrang push para lumabas si baby kaya ayon at 1:47am November 19 lumabas si baby? Sobrang worth it ang lahat ng pagod ko simula pagdala ng 9 months hanggang sa paglabor at paglabas ko sa kanya. Paglabas talaga ni baby na sabi ko talaga na "Thank you Lord!" Congratsss to us sa mga nakaraos at papunta pa lang? Just pray lang po and trust everything to God just wait the perfect time and place ❤ Thank you for this app (TAP) sobrang laki ng tulong lalo na kung first time mom ka.

191 Các câu trả lời

ang cute congrats mommy same din sa case ko dinaganan lang din yung tyan ko kasi sobrang taas pa din ng tyan ko

Same tayo mamsh 1st baby at nakaraos ndin. Sobrang hirap pero masaya. Salamat at nanormal kdin mamsh hehe.

congrats po... wow same day po tayo 😊 Baby boy sakin... first baby din... ang galing natin 💪

Yes Mommy kakayanin para kay baby😊

Congrats po! Excited na din kami ng asawa KO, May 2020 pa po yung expected date

Congrats po. 😊 2 months preggy here kinakabahan ako na nae excite. ☺

Ako 9months na tummy ko now 37week but wala pa talagang sign labor

Salamat po😇🙂

Relate much. Force labor din aq. Subrang sakit pro worth it nmn.

At least na kaya natin na ilabas sila mamsh😊

Congrats mommy! Ka birthday ko baby mo hahaha ❤❤❤

congrats mommy..ang edd mu nkabase sa ultrasound?or sa lmp

Ultrasound po kung nakabase sya sa lmp is November 17 dapat ako manganganak

Congratulations. What a cute princess you have ❤

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan