39 weeks 0 Days

DOB: Nov 13, 2022 EDD: Nov 20,2022 My Baby girl is out exactly 39 weeks! 3kg Via Normal Delivery Share ko lang experience ko kase sobrang unexpected yung paglabas ni Baby. Schedule CS na ako for Nov. 14 dahil ang laki narin ng timbang ko and possible preeclampsia daw ako dahil narin sa pagtaas ng BP. And then Nov 13 naghihintay na ako ng result for rtpcr test para ma admit na ako for tomorrow Sched CS tas nung nasa ER kami nag wa-wait ng result narin ng antigen ng partner ko bigla ako nakaramdam ng paghilab na patindi ng patindi yung pag sakit hanggang sa hindi ko na kaya yung continues na sakit kaya napahiga na ako sa kama at napasigaw sa ER hanggang sa pumutok na panubigan ko. Wala muna nag asikaso saakin sa ER kase nga Scheduled CS ako even though may contraction na ako at pumutok na ang panubigan ko hanggang sa di ko na talaga kaya ang sakit tsaka nila ako dinala sa OR(operating room) instead sa Delivery room kase naghahantay pa sila ng order sa doctor ko na CS ako dahil otw palang non Doctor ko. Pero to make the story short sa last IE ko ng araw na yon, pa 2cm palang yung cervix ko hanggang after 3 hrs nag fully dilated na ako at sabi ko sa mga nurse ramdam ko na yung ulo ni baby dahil parang gusto pa nila pigilan ko pa paglabas ni baby which is mas masakit pa so napasigaw na ako na "Ano bang ginagawa nyo! Gusto ng lumabas ng baby ko." sabi pa nung in house doctor mag relax lang ako which is nakapag pa trigger pa lalo sa labor na nangyayari sakin. So ayun pinakita ko mismo sakanila yung pwerta ko na nakasilip na yung ulo ng baby ko and nag decide sila na ma normal delivery na ako. And ayun lahat sila nagulat kasi nakadalawang ire lang ako lumabas agad yung baby ko ni hindi na ako nalagyan ng anesthesia for pain labor dahil gustong gusto na talaga lumabas ni baby, na feel rin siguro ni baby yung stress at kaba ko nung nalaman ko sa last check up na may possible ma CS ako at umiyak ako non kaya di na ako pinahirapan ni baby sa panganganak sa kanya. 🥰Perfect timing talaga and sobrang thankful ako kay God sa plano nya saakin sa madaling panganganak ko. So ayun Goodluck po sa lahat ng mommy na malapit narin manganak, kaya nyo po yan at makakaraos din po kayo.😊##firsttimemom

57 Các câu trả lời

Congrats po! ang galing Sana si baby ko rin makisama at hindi ako pahirapan 🙏🥰

Opo mi, tiwala ka lang po kay baby mo. 🥰

Waaaa what an experience Mi! Galing nyo ni baby 😍👏🏼 Congratulations! 🥳

Yeeey! Thank you po mi! 🥰

nakakaiyak aq nga 7mons kinakausap q anak ko tlaga. sana wag aq pahirapan

congratulations mi! yung akin po 3.5kg diko nakayanan kaya ending cs ako

Galing naman naki sama si baby congrats mii. GoodJob BabyGirl 💕

Oo nga po e, salamat po❤️

angkyut💗💗💗sana ganyan din pglabas ni baby by Feb. 😊

VIP Member

wow congrats mommy. grabe ang bait ni baby dika pinahirapan gaano 🥹

Totoo po mi mabait na baby. 🥰 Salamat po!

Ano timbang mo mi? Congrats 🥰♥️

Yes po possible po kayo I suggest na ma CS kase nung tumuntong po ng 84 kilos yung timbang ko pinag da diet na agad ako dahil baka daw po lumaki si baby sa tyan kaso yun nga po di ko na nakontrol timbang ko.

Baka gusto mo ijoin baby nyo mga mamsh pm nyo lang po ako

Congrats mi! Sana ako din soon gnyan lang din kabilis...

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan