39 weeks 0 Days

DOB: Nov 13, 2022 EDD: Nov 20,2022 My Baby girl is out exactly 39 weeks! 3kg Via Normal Delivery Share ko lang experience ko kase sobrang unexpected yung paglabas ni Baby. Schedule CS na ako for Nov. 14 dahil ang laki narin ng timbang ko and possible preeclampsia daw ako dahil narin sa pagtaas ng BP. And then Nov 13 naghihintay na ako ng result for rtpcr test para ma admit na ako for tomorrow Sched CS tas nung nasa ER kami nag wa-wait ng result narin ng antigen ng partner ko bigla ako nakaramdam ng paghilab na patindi ng patindi yung pag sakit hanggang sa hindi ko na kaya yung continues na sakit kaya napahiga na ako sa kama at napasigaw sa ER hanggang sa pumutok na panubigan ko. Wala muna nag asikaso saakin sa ER kase nga Scheduled CS ako even though may contraction na ako at pumutok na ang panubigan ko hanggang sa di ko na talaga kaya ang sakit tsaka nila ako dinala sa OR(operating room) instead sa Delivery room kase naghahantay pa sila ng order sa doctor ko na CS ako dahil otw palang non Doctor ko. Pero to make the story short sa last IE ko ng araw na yon, pa 2cm palang yung cervix ko hanggang after 3 hrs nag fully dilated na ako at sabi ko sa mga nurse ramdam ko na yung ulo ni baby dahil parang gusto pa nila pigilan ko pa paglabas ni baby which is mas masakit pa so napasigaw na ako na "Ano bang ginagawa nyo! Gusto ng lumabas ng baby ko." sabi pa nung in house doctor mag relax lang ako which is nakapag pa trigger pa lalo sa labor na nangyayari sakin. So ayun pinakita ko mismo sakanila yung pwerta ko na nakasilip na yung ulo ng baby ko and nag decide sila na ma normal delivery na ako. And ayun lahat sila nagulat kasi nakadalawang ire lang ako lumabas agad yung baby ko ni hindi na ako nalagyan ng anesthesia for pain labor dahil gustong gusto na talaga lumabas ni baby, na feel rin siguro ni baby yung stress at kaba ko nung nalaman ko sa last check up na may possible ma CS ako at umiyak ako non kaya di na ako pinahirapan ni baby sa panganganak sa kanya. 🥰Perfect timing talaga and sobrang thankful ako kay God sa plano nya saakin sa madaling panganganak ko. So ayun Goodluck po sa lahat ng mommy na malapit narin manganak, kaya nyo po yan at makakaraos din po kayo.😊##firsttimemom

57 Các câu trả lời

ang galing naman! Totoo yan lalabas tlaga ang baby kapag gusto nya na at walang makakapigil sknya so chill lang mga buntis okay hehe

sana ganyan din saken pag manganak 😭

sooobrang cuteee momsh!! grabe ako eto kinakabahan na naman kahit pangatlong bb ko nato 34weeks palang kaya konting kembot pa

Thank you po and goodluck po sainyo ni baby! 🥰

Congrats mamsh! Sana ako din. 39 weeks and 3days na ako ngayon. Gustong gusto ko na lumabas si baby kaso parang siya ayaw pa.

Don't worry mi im sure gusto ka na rin ma meet ni baby mo. Onting tiis nalang😊

Mabait si baby, alam mo sya po ang sanggang dikit nyo in life, pakners in life ba ☺ congrats po...♥ hi baby girl.. ☺♥

Yes mi totoo. Salamat po! ❤️

yung ibang hospital tlga khit kaya mo inormal, i CS ka, pra mgkapera haisst. buti ng insist ka mii na kaya mo i-normal.

Yes po mi, ganun na nga po sa tingin namin ng partner ko pero buti nalang di rin pumayag si baby ko at lumabas ng walang kahirap hirap po. 🥰

first time kopo edd ko sa December 2 at sobrang natatakot po ako manganak ska wla po akong ksma mag isa lang ako

wag kang matakot mamsh lakasan mo loob mo para sa baby mo goodluck satin edd ko dec 31 ☺️

congrats mommy! sana kami din ni baby celina ganyan mabilis lang currently at 39 wks and 2days

congrats po ☺️☺️ ang galing lang kasi hindi kana pinahirapan ng baby mo sana sakin din ganun 😅

Malay mo mi diba? Basta tiwala ka lang sa baby mo at na fe feel nya po kung ano yung mga emtions and feelings na nararamdaman mo po.🥰

Same tayo sa panganay ko sis napaaga ng 2weeks tapos ambilis lang lumabas dalawang ere lang

Congrats mii, ❤️❤️ sana makaraos din kmi ng baby ko ng normal.. 😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan