Baby tantrums

Is it normal for a toddler to have tantrums and crying almost everyday? What should i do? Spank him or leave him until his tantrums gone.

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal sa bata ang tantrums. Marami silang unreasonable demands and they will cry over petty things. 6 years bago nasundan yung eldest ko so somehow na spoiled namin sya in a way ng bahagya like toys ganyan. Hindi ko pa alam pero never ko nakita kasi mag tantrums un anak ko hindi dahil sa spoiled sya pero at early age, pinakita ko sakanya na pwede ko ibili ang gusto niya, pero she will never be the boss. Ako ang nanay at hindi sya ang masusunod. Ganyan din sa asawa ko, kapag pinagalitan sya ng Papa nya, I won't interfere or say anything or vice versa kasi need namin maging firm with our words and actions. Hindi ako yung tipong susuyo, the more na iiyak, that wont change my decision- tough love ika nga, kaya siguro nung nakita ng anak ko na hindi uubra yung mga ganong actions nya, hindi na nya inulit. Ang bata ay bata, marami silang bagay na hindi pa naiintindihan kya kapag nagagalit ako sa isang bagay na ginawa nya, I will explained it to her in the most simplest possible way. Hindi ako namamalo pero kapag pero tinuturing kong may pagka monster akong mommy lols. Tingin palang kasi matatakot na un anak ko. Pero never akong nagpagalit sa labas. Ayaw ko kasing ma feel nya na napapahiya sya kaya kapag uwi sa bahay, dun ko sya kinakausap. Ang hirap kasi eh, kelan ko pa icocorrect yung mga ganitong actions nya kapag malaki na sya? Communication is the key rin talaga.

Đọc thêm