Yellow Eyes
Normal po ba pagdilaw ng mata ng baby ko? 6days old na po sya. EDITED: UPDATE: nagpacheckup na po si Baby nung isang araw ng biyenan ko. Sabi po ng Doctor baka di kami match ng dugo ng daddy nya which is totoo naman. Tigil ko muna daw pag breastfeed kahit mga 1week magpump muna daw ako at ilagay sa freezer obserbahan muna daw namin at paarawan si Baby ng hubo't hubad ng quarter to 7am to 7:15am. Latest Update : Okay na po ngayon ang baby ko. Pinaarawan lang po namin. At may uti po si Baby siguro po dahil din sa infection kaya ganyan kagrabe.
Jaundice na baby niyo mommy. Paarawan niyo po everyday mawawala din yan... kapag nagtuloy tuloy despite na pinapaarawan iupdate niyo po yung pedia baka po kasi ipaphototherapy na po siya... ganyan din po si baby ko non, dinaan namin sa paaraw nawala din naman.
Same sa baby q nong bagong labas sya admit sana sya ng Doc pero d kami pumayag kaya pomerma nlng kami ng Weber un mga after 2weeks sa awa ng Dios naging normal sya ngaun mg 3months old na baby q paarawan m lng lagi hangat sa mawala yang paninilaw ng mata nya
Yung baby ko dati nag ye yellow din mata nya kya di kmi pinalabas ng hospital agad kc nilagay sa incubator ang baby ko pina initan. After 3 days pima labas na kmi sbi ng doctor plgi pa arawan sa umaga si baby. Sa tingin ko hindi normal yung dilaw ang mata,
Đọc thêmCheck mo din kung madilaw dila saka gilagid ng baby mo. If madilaw din better na itakbo mo na sa pedia nya kasi pwede ng umakyat sa utak nya yung bilirubin na tinatawag wag sana mangyari yun mommy kasi maaapektuhan utak ng baby mo pag di naagapan yan.
Yong baby ko po naging ganyan din eyes pina confine tapos artifical na pinaarawan phototheraphy . Tapos blood culture test siya chcheck nila kung may bacteria sa blood ni baby . Sa awa po ng diyos gumaling si baby halos 10 days kami sa ospital noon.
Same mommy tayo..magkaiba kami blood type ng tatay..pina check bilirubin ng baby ko tas bngyn ng formula milk dhil baka sa gatas ko dn..na phototheraphy dn sya tas ng iuwi na namin pinaarawan ko.. Ipa check up mo rin para masabi ano tamang gawin..
Yung baby KO pinakunan Ng dugo Sa paninilaw ( biliburin ) 24.9 total Sabi Ng doctor need na DAW confine para phototherapy . Hindi Ako pumayag inuwi KO ang baby KO at pinaarawan KO tuwing umaga after 1week 7.9 nalang total Ng Biliburin niya..
Ganyan din ung baby ko nung 5days old palang sya. Buti nalng match kmi ng dugo ni baby. Nanilaw kasi sya pati eyes nya. Nagtyagalng kmi ng paaraw. 30 mins sa front tas 30 mins sa likod ng bata. Ang thank God okay na sya ngayon.
Hello po. Nurse po ako, and yung paninilaw ng mata ni baby, hindi na normal. Mas okay na ipacheck nyo po sya agad para malaman kung anong nagccause ng mataas na bilirubin nya, kesa paarawan lang tapos patagalin pa.
Hi mamsh. Gano katagal yung pag di pag bfeed nyo at pagbalik ng normal na color ni baby? Ganyan din kasi baby ko. Sabi lang samin basta daw habang natagal nawawala paninilaw. Mejo nawawala naman. 18days old na sya. tia