19 weeks laging gutom
Normal lang po ba yung palaging gutom? Kaka-kain ko lang pero after ilang minutes gutom na naman ako ? ano kaya food pwede kainin para di agad mabilis magutom. Salamat mga mamshi.
simula ng naging pregnant ako hindi ako naglihi o nag duduwal pero lagi lang akong gutom kahit madaling araw nagigising ako para kumain hanggang ngayon turning 17 weeks na ko gutumin padin.😆 skyflakes lagi ko meron para pag di agad nakapaghanda ng food may nguyain ako I won't let my tummy get hungry kase baka magutom dn si baby eh.
Đọc thêmEverything in moderation mamsh. Lalo na sa rice,pasta,bread,at sweets. Kasi nakakalaki yan at nakakataba. Baka masyado ka lumaki mamsh,mahirap mamanas. Mag more on gulay ka,like salads ganun. Kahit kumain ka ng madami nun,okay lang.tapos dagdagan mo pa ng oatmeal at wheatbread.para mabilis ka mabusog at hindi kain ng kain.
Đọc thêmYes normal. Ganyan din ako🤣 oras oras ngumangata hehe buti hindi tabain. Inom ka lang ng maraming tubig bago kumain at habang kumakain pra hydrated at hndi constipated . Kumain ka pag nagugutom like fruits and biscuits. Wag mong tiisin ksi sobrang sakit nyan sa tyan, nakakabaliw.
Yes. Lagi din ako gutom. Kain ka nalang ng onti na kahit ano para pag nagutom ka ulit kain ulit onti. Kasi kahit madami gutom ulit agad ee kaya onti onti lang para hindi masyado bumigat at mahirapan manganak
Apple po para mabilis mabusog. Wag na wag kang kakain ng maraming kanin or carb foods nagsisisi ako ngayon sobrang laki ng baby ko baka cs ako :(
Opo mamsh, normal lang po. Gutumin na din ako, 22 weeks preggy. Eat healthy foods po mamsh para kay baby. Iwas lang sa matatamis at maaalat.
Normal lang nmn po yun,pwede ka nmn palagian kumain basta alalay lang wag sobra sobra.
Normal lang po.. ako nag ssnacks ako ng cereal or granola kapag nkakaramdam ng gutom.
..its natural momshie. Dlwa na kasi kayo kumakain.. basta prutas lagi at gulay..
Normal lng po yan mam kc papalaki plang c baby kain lng basta healthy food..
Hoping for a child