11 Các câu trả lời
never naman talaga naging normal ang duguin habang buntis kaya nga nabigyan ka ng pampakapit kasi sinasalba nga yung pagbubuntis mo na maging normal. bedrest talaga, iwas stress at sex.. always monitor yourself, cont lang din sa prenatal vitamins at healthy foods at syempre, prayers.
NOT normal‼️‼️ Bed rest ka nalang mii, okay po yan na naagapan mo kase nag tatake ka na po pampakapit. Bed rest lang po katapat nyan literal na higa lang po , tayo ka lang kung iihi maliligo. Mas okay na mag padala ka nalang foods sa kwarto para hindi kana po tayo ng tayo.
Usually gnyan tlga pag nasa first trimester.. kci nasa high risk pa ang sa mganyang stage.. ingat ingat lang po sa pag galaw at more bed rest po. Tpos continue mo lang pag inom sa gamot na binigay sau ng OB mo..
no po. update mo po OB mo and mag bed rest ka po . kasi nung ako po nun may pampakapit and hindi ako nakapag bedrest nakunan ako mi kaya ikaw magpahinga kalang okay . pray kalang magiging okay kayo ni baby
never po naging normal ang spotting or even bleeding pag pregnant it could result to worst status po ninyo ni baby lalo na niresetahan ka mamsh ng pampakapit. pafollow up check po kayo kaagad sa ob niyo.
Hindi po normal, ako halos 2months akong bedrest, tatayo lang talaga pag iihi, bawal mag gagalaw. Pag naliligo ako may upuan sa banyo para nakaupo lang ako.
madami or kahit konting bleeding dapat mainform mo si OB ASAP.. Not Normal and Not Safe po yan ... baka ma miscarriage kung hindi maagapan
Any bleeding or spotting during pregnancy is not normal. Bed rest and pa check ka sa OB mo mamsh.
Any bleeding, spotting not normal mi. Kaya ka nakapampkapit. Sabayan mo ng bed rest malala.
kht kelan di normal ang duguin habng buntis. maliban nlng kung na IE ka or kbwanan mo na