Normal lang ba?
Normal lang po ba na yung partner ko, nanonood pa din ng anime/cartoons?
Ako mismo mommy nanood pa ng anime at cartoons. Wala naman pong masama doon mommy dahil ang cartoons ay pang all age naman po. Kahit mga parents ko nakikinood din :)) Try niyo rin po manood ng anime. Madami pong magaganda. Parang mga kdrama lang din po yan o ibang series ang difference lang eh gawa sa drawings ang anime. Ang mga drama naman ahy inarte ng mga totoong tao. Kumbaga parang disney stories lang na may cartoon version at live action version.
Đọc thêmYes po Mr. q anime minsan boxing or basketball hinahayaan qnalng kysa sa iba maging bc 😊 pero aq tlga anime lover nung nasa first trimester aq hanggang ngaun Anime lagi pinapanood q tpos mga music puro theme song ng mga anime pinakikinggan q kht dq maintindihan kc Japanese 😁 pero nakka relax sakin
Mommy alam mo po yung Your Name? Ang gaganda ng nga kanta doon. ❤️❤️❤️
si yexel at bitoy nga na artista pa nagkokolek pa ng mga anime at action figures.. yun talaga cguro interest nila. asawa ko din hilig manood ng anime.. yan libangan nya at pampalipas oras lalo nasa malayo. okay na yan kaysa porn or kachat inaatupag nila. ung iba babae ang pinagkaka abalahan ehh
Same here momsh. Asawa ko anime dn hilig panuorin. Asar aq minsan haha, pero naiintindihan ko, libangan nya dn kc yan. Magkasalungat kmi kc aq barbie hilig ko panuorin, o kaya mga disney cartoons bsta maganda. Ang importante super asikaso nya aq 😊😊😊.
ok lng po yon...asawa ko naglalaro ng ps4, nagbabasa ng mangga comics... yon yong hilig or maybe hubby nila hindi natin yon maalis... kysa naman iba ang makahiligan nila... hehheehe....basta alam nya parin ang responsibilidad nya...
Wala namang masama na manood ng anime 😅 marami na nga nanonood niyan ngayon di tulad dati. Hindi naman porket tumatanda na tayo kailangan na rin natin itigil ang mga hobbies at likes natin just to please society’s standards
Haha. Totoo ito. 💯
normal po yan, okay na yan kesa magbisyo ng iba.. yan kasi ang relaxation mode nila. yung asawa ko nga manood ng animé at mag.laro ng ps4 habang bantay kay baby sa gabi.🤣😂😁🤭
yes po, ok lang naman po yun as long na di nakakaapekto yung bonding namin mgasawa. Actually napapabilis nga yung kilos ng hubby ko pag inuutusan, abay takbong naruto ang galawan. 😅😅
ako nung nag buntis ako favorite kong panoorin yung pokemon XZ kasama kung nanonood yung partner ko.. fav ko c pancham at chispin.. kaya yung bby ko ngayun tinatawag kung pancham😅
32 years old ung asawa ko, ako 31. Libangan namin manood ng anime, mag collect ng anime figures and maglaro ng videogames. Mas okay na un kesa porn panoorin ng partner mo. haha.