38 weeks and 4 days
Normal lang po ba na sumasakit yung taas na part ng hita tumutuloy hanggang sa likod(balakang) parang ngalay sya tapos sa kanan na side lang. Kagabi kc sumasakit din yung puson ko na parang magmemens pero kaya ko pa ung sakit at hnd pa regular yung intervals kaya itinulog ko muna. ngaun pag gsing ko eto na.. please advice sa mga nkaranas na po.
Update dito* 3 months post partum Hindi ko naranasan mag labor 😅 hinintay ko hanggang ika 40th week ko, yung sakto sa due date tlga nya ksi gusto ko normal pero it never happened. Yung mga pagsakit sakit na naramdaman ko neto walang nangyari. Kaya nung nagpacheck up ako inadvice na masi-CS dahil malaki ang baby ko. I waited, prayed and cried for labor to come kasi gusto ko maranasan yung normal na panganganak pero wala ehh, hnd para sakin. Buti nlang at sinunod ko ang gusto ng doctor na wag ng palampasin ang due date kung hnd wala siguro ang baby ko ngayon. 🙂 Nakapupu na ang baby ko at the time of delivery at naconfine sya for 1 week for sepsis. It was hard kasi, I could not bring home my daughter and at the same time I'm recovering myself. The first time I saw her after operation I could not carry her tapos parehas pa kming may swero. Sobrang sakit makita syang may tusok sa kamay sa ganung edad nya at halos ma depress tlga ako non bago sya umuwi. Pag uwi nya, iyak sya ng iyak. Something was wrong with her pero hnd namin malaman kung ano. We later figured out that she has some sort of milk allergy kasi nagpupupu na sya ng may dugo. Pinalitan yung gatas nya ng milk na processed na pra hnd mahirapan idigest ng tyan nya. Sa first month nya tlgang hnd namin alam gagawin, habang umiiyak sya umiiyak din ako kasi wala akong mgawa sa pra maalis yung sakit na nararamdaman nya sabayan pa ng pagod at puyat. Buti nalang at sumang ayon yung tyan nya sa bagong milk na binigay sakanya kaya nung 2nd month medyo nakahinga na kami ng maluwag.. All is well now, malusog sya. Sobrang lusog nga dahil 3 months almost 7kg na sya. 😂 I just really want to thank God dahil hnd nya kami pinabayaan. 😊
Đọc thêm*update wala pa ring regular intervals ung pagsakit ng puson at balakang ko and hindi ko sya msyado feel pag nkaupo or tayo. tapos ngaun lang may discharge ako na clear snot like ung consistency. parang puti ng itlog mejo mas thick lng ng onti. pero konti lang. mucus plug na kaya yon?
*update. sumasakit nnman yung puson ko habang nkahiga kaya try kong mag change ng posisyon. pero msakit parin ung hita ko constant sya.
baka naglalabor ka na po. monitor mo po kung may discharge ka na.
ocge sis. thank u.
Mommy ni Magnum at CZ Parabellum