17weeks and 2 days

Normal lang po ba na parang may leak ng gatas breast ko? pangalawang beses na po yung ganto eh. Parang leak lang po. Parang masyadong maaga po kase I'm 17weeks & 2days preggy po. Salamat po sa sasagot.

17weeks and 2 days
39 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Swerte nyo po meron na agad kayong Breast milk ako po kase wala masyadong gatas eh nahihirapan po ako magpa BF kay baby kakapanganak ko lng po, 3 days pa lng si baby eh naaawa naman po ako at walang nalabas na gatas saken masyado. Kaya no choice po ako sa Formula kahit mas gusto ko BF si baby ko. 😢

4y trước

Mamsh sabi po dun sa breastfeed coaching, normal daw po wala pa masyadong gatas first 3days. Check this po. https://www.facebook.com/LactationSpaClinicoftheNorth/photos/a.797620923782301/1354942704716784/?type=3

Same tayo mommy pag tong2 ng 4months tyan ko ganyan din sa akin left and right masyadong maaga pero sabi ng mama ko marami daw gatas yan and 20weeks na ako ngayon medyo madami dami na lumalabas na gatas

4 months din po nagleak na breast ko, tapos ngayong 7 months na ako kusang natulo na ng 1-2 drops pero watery ang itsura nya para syang pinaghugasan ng bigas tapos malagkit.

Thành viên VIP

Sana all.. 😊 I wasn’t able to breastfed my 1st baby kasi wala ako halos milk.. Praying na for my 2nd baby I’ll have enough milk to breastfeed na.. 😊

Ganyan ako sa panganay ko 5months noon akong buntis natulo n agad gatas ko kaya pag kapanganak ko grabe lagi akong nilalagnat sa dami ng gatas.

Normal po momsh 😊try nyo po watch preggy video ko, may part jan about sa leaking ng breastmilk ko hehe.. https://youtu.be/yob9hHn18TI

Thành viên VIP

Ako po twice or thrice ko na po na experience yan, both breast, nung start ng 6 months ko. 😊 Sabi madami daw na milk pag ganyan.😊

i think po ok lng naman sguro sbi nila meeun dw tlga mga mami na mlkas mg produce ng milk pero try nyo rin po ask sa mga mtatanda heheh

Same here din po, 5 months pa lang my mga leak na. Im on my 6th months now and napapansin ko always nababasa ang damit ko. 😊

Normal lang yan sis, lalo na kapag nalilinis mo palagi yung breast mo kapag naliligo ka at palakain ka ng may sabaw.