Sakit puson
Normal lang po ba na nasakit yong puson tas yong pakiramdam mo eh. Yong feeling na magkakamens ka ??? 7 weeks pregnant po. Salamat Godbless
Normal naman sakin sis, bago ko malaman na preggy ako nasakit din yung tyan ko pero tolerable naman yung pain, as soon as nalaman ko na preggy ako nag pacheck up and sabi po ng OB ko ay normal naman po lahat.
Pag first baby normal daw po pati yung pananakit ng balakang. Nag aadjust pa daw po kasi katawan natin. Pero pacheck up ka din po baka kasi uti or iba pa po. Ganyan din kasi sakin nung una.
Isa po yan sa early signs ng pregnancy. Ako nung una ini'hot compress ko pa ung puson ko eh. D ko naman alam na buntis ako. Kala ko nagkaka cramps lg ako ksi kala ko magkakaron ako. Heheh.
Ganyan din ako nung una, pero dikopa alam na pregnant nako, buti nalang makapit yung baby ko, 3months na pala Tyan ko nung nalaman kong pregnant tlga ako🥰😌
Ganyan din nararamdaman ko nong 5 weeks pregnant ako going 7 sumasakit puson ko pati dede ko. Binigyan ako nang OB ko pampakapit ni baby. Mababa daw kasi matris kaya ganyan.
Normal po kasi nag e- expand yung balakang and matres and nag aadjust katawan. Do some research normal po basta wag lang duduguin in your first trimester everything's fine.
Sabi po ng OB ko nung nasa ganyang stage ako, di daw po normal na may pain. Turns out, threatened miscarriage na pala. Kaya pinagtake ako ng pampakapit tas bed rest.
I'm also a pregnant now 10 weeks old still unsafe kaya todo ingat pa den po ako either i know na CS naman ako pag nanganak pangatlo kona kaseng baby to puro CS ako
No.. Kasi pag may cramps means may contraction.. Iniiwasan yan sa first and second trimester kasi it could lead to bleeding or worst miscarriage.. Consult napo kay OB
Yes. Ganyan ako dati nung di ko pa alam na buntis ako 😅 Puro menstrual cramps nararamdaman ko pero walang bleed. Then after 4days of delay ayun positive.