26 Các câu trả lời
Yes po ako po 18weeks nako now and first baby ko po ito BABY BOY di po Ako naglihi or kahit anong cravings wala akong hinahanap mga ganon iniisip ko mga kung buntis ba talaga ako so ang ginawa ko nagpa transV ako ng 8weeks pregnant ako sabi may laman daw and buntis nga daw ako ganon, then di paden ako naniniwala kasi baka mali lang dami na kasi pumapasok sa utak ko and ayon na nga di paden ako naniniwala hanggang nung itong tuesday lang nagpa ultrasound ako kung talagang may laman nga and ayon nakita si baby boy ko HAHAHAHA buntis nga talaga ako kahit di ako naglilihi
9weeks nakong preggy hndi rin ako maselan haha di ako nagsusuka parang normal lng tapos kung mag crave ako minsan lng hndi madalas , ang ayoko lng ung nilaga ayoko tlga nun 🤣 tapos minsan nasakit ung suso ko parang maga gnun, pero hndi nmn ako nagsusuka lalo na sa umaga , ang ayoko lng din ung kahit gutom ako wla akong gana at hndi ko alam kung ano ang gusto kong kainin 😁
yes po ako now 😅 buntis normal Lang Di nag lilihi 🥰 Pero sa panganay ko napakaselan ko ☺️sa sbrang selan ko noon sa Pag bubuntis ko na admit na ako sa hospital. luckily this second baby ko walang hirap . I'm 25 week and 3 days pregnant 🥰 isipin mo na Lang lucky Ka Kasi Hindi lahat tulad mo .enjoy your pregnancy journey 🥰
yes sis , sa apat kong anak d ako maselan , pero sa panlima , jusme kahit kape ayoko na tlga , lagi ako hilo at tulog , tamad kumilos at selan sa mga pagkain , jusme sis wag mo na pangarapin ung maselang pagbubuntis ang hirap🤧🤧🤧🥺, hirap na hirap ako mag adjust ngayon
me po. first time ko pong magbuntis. Hindi ako nagsusuka or nahihilo. Ang ayaw ko lang talaga gulay, since sensitive panlasa at pang amoy natin, feeling ko mas sour yung lasa niya. Overall, halos wala. feeling ko nga hindi ako buntis minsan.
yessss. ako wala akong naramdaman na kahit ano sa whole pregnancy ko wala akong selan sa kahit ano, morning sickness wala pati lihi di ko naranasan. kundi talaga ako nadelay at nagPT di ko iisipin na buntis ako 🤣
Ako po momsh hinde po maselan, hinde ko din po na experience ang morning sickness sabe nga po ng OB ko mabuti at hinde ako pinahirapan. Sana hanggang paglabas ni baby hinde din ako mahirapan☺️
wow swerte naman ng hindi maselan mag buntis.. ako 13weeks n hanggang ngayon namimili pa rin ng pag kain aat hindi p rin normal un pang amoy ko 😔 morning sickness p rin hanggang ngayon,
14 weeks here wla ko maramdaman bukod sa malakas pitik ni baby cmula sya ng 11 weeks..napapraning na nga ko aga nya ngparamdam samantalang panganay ko nun 16 weeks ko ata naramdaman pitik nya
Same walang any sign ng pagbubuntis pero buntis , walang paglilihi and pagsusuka tyka di masilan sa food haha
first time mom here , di rin maselan pagbubuntis ko parang normal lang 😁 ang takaw ko din sa pagkain pero ayaw ko lang sa tinolang isda then palaging tulog huhu .
Anonymous