Belly size.
Normal lang po ba? 7 months na po. Sabi po kasi sa center maliit po daw pero sa private ob ko po wala naman po sya sinabi na maliit. Sabi dn po workmates ko maliit daw po. Normal lang po ba to? Salamat po.
Hi mamsh. I dont want to sound pessimistic or to cause any worry ha :) but gusto ko lang i share yung na experienced ko. If you havent done growth scan kay baby, pls do so. Baka kasi growth restricted si baby kaya maliit. I used to think na mas ok ang maliit na tummy. But may instances tlaga na it meant sumthing pag maliit tummy mo. Much better to have it checked nlang. My baby was growth restricted, born at 36wks 1.8kg lang. I wished i knew about growth restrictions before kaya wala rin akong nagawa mashado with my situation. Kaya now, if meron akong nababasa, i really wanted to share kasi i dont want u to experience what we have. Mahirap madaming complications later on.
Đọc thêmMost of the time your bump is just fine no matter what size it may be on the outside. Whether it is small or big as long as your baby is healthy. Iba iba po talaga ang shape of pregnancy ng mga babae. As for me. I am on my 26 weeks (6 months) and yet sabi ng iba maliit pa din. Pero I don't mind them. As long as healthy ba si Baby. Wag po tayo magpastress sa mga sinasabi nila.
Đọc thêmas long as sabi ni ob at sa ultrasound normal si baby, walang bearing yung size ng tyan. ika nga nila baka purong bata ang laman ng tyan. ganyan din po sakin kabuwanan ko na akala nila nasa 5-6 months pa lang. nung nanganak ako walang tahi sa pwerta tapos 2.2kls lang si baby 😅
Hi momsh. Ok lng yan as long as active and normal ang heartbeat ni baby.. Pareho tayo maliit lng tiyan ko. Even now na 9 months na ako. Normal nman lahat sa ultrasound ko. BUT advice lng ni doc is more water☺️Waiting nlng ako sa paglabas ni baby😊
Normal lang yan maliit din siguro yung baby mo ako nga din sa panganay na anak ko ang liit ng tyan ko kahit doktor ayaw ako paanakin kasi ang liit ng tyan ko kailangan pa mag ultra sound to check kung talagang open na ang cervix ko
Hi for a 7mos. way better na maliit si baby inside the tummy kesa naman sa super laki nya inside you kasi, easier to have normal delivery unlike malaki baka ma CS ka. Ang importante healthy si baby while inside mommas tummy.
Yung size daw ng tyan depende sa height tsaka timbang ng nanay, tsaka pag first baby maliit daw talaga. Mas mabuti daw if sa labas na palakihin yung bata kaysa nasa loob pa ng tyan kase mahihirapan manganak.
Same tayo mommy ng liit ng tyan. Pero wag tayo mag worry kasi wala daw talaga yan sa laki o liit ng tyan, basta sinabi ng OB na okay si Baby, okay ang lahat. :)
Okay lang yan momy ako nga snsabihan na 5mons na Baby ko da tummy liit dw tyan ko hinahyaan kuna lang D namn yun sa palakihan nang tyan bsta healthy parihas
Yung pinsan ko mas maliit magbuntis sa akin kasi mas maliit nga naman siya sa kin. Pero nung nanganak kami (2wks ang pagitan) mas malaki baby nya sa akin.
Mama bear of 1 happy bany girl