Hirap yan kasi bawat baby talaga ang dating, a few of us sa mama group namin, ang babies nila nag-poop once a week lang pag EBF at okay lang daw kasi ang breastmilk is easily absorbed, walang maraming waste, pero kapag may signs ng discomfort or mahirap na talaga ang pupu, iba na. Since ang doctor nyo mentioned water, mas okay siguro mag-follow up ulit sa pedia para ma-clarify kung bakit specific ang 1oz twice daily, at 2.5 months talaga pwede na ba ang extra water, because most sources I've read say exclusive breastfeeding lang usually hanggang 6 months unless advised otherwise. Better safe than sorry with feeding amounts, lalo na ganyan kalaki pa lang si baby!