Pagiging iritable..
Normal ba na maging iritable kpag sumisipa na si baby?kasi napapanay ang sipa ni baby ngayon 6 mos. preggy n ko dumating na sa point na iniiyakan ko na ang likot nya kasi di ako makatulog at di ako komportable kpag sipa sya ng sipa
Bakit ka nagiging irritable sa pag galaw ni baby? Maging happy ka nga dapat kc it means healthy sya, i-enjoy mo na lng. Nakakagulat tlg minsan ang galaw nila pero nahahappy ako everytime na malikot sya. Kahit hnd komportable at kahit pa hnd ako makatulog sa gabi gang madaling araw, masaya ako sa bawat paggalaw nya at naeexcite ako sa paglabas nya. Kausapin mo din si baby mo minsan na wag muna masyado magalaw or itry mo na iparinig sknya mga soothing at classical music para ma relax sya.
Đọc thêmSakin momsh maya't maya ang likot niya. Nakakatuwa lalo kapag sinasabi ko kay hubby tumitigil siya ng likot parang nag tatago 😂 tapos kapag hindi na nakatingin si hubby tsaka ulit siya mag lilikot. Haha! Minsan lang matyempuhan ni hubby na nag lilikot siya. 6months preggy here 😊
32 weeks here.. medyo nagdecrease likot ni baby kasi masikip na sa loob😂 minsan nakakagulat talaga pag biglang sipa at wave sya sa tiyan mo ng matagal tagal.. pag pinapahawakan ko sa daddy nya nagbebehave sya bigla😂😂😂
Nakarelate din ako minsan kasi nakkagulat na o kaya pag gustong matulog di ka makatulog kasi sobrang likot. 12 weeks pa lang siya nung nagsimula gumalaw tapos ngaun mag23 weeks na sobrang galaw na talaga 😁 ibig sabihin healthy siya
Normal lang po yan mami nakakatuwa nga pg sipa ng sipa c baby minsan nagugulat pa biglang lakas ng sipa taz umaalon.alon pa hehe yon sipa nya yon tipong gusto nah nyang lumabos nakakatuwa talaga nakakawala ng problem
enjoy lang sipa ni baby mommy! 31 weeks preggy here sobrang active ni baby 😂😂😂 minsan nakakairita lang yung nasa kalagitnaan ka ng byahe maiihi ka kasi nagalaw pantog mo sa likot ni baby hahaha
Enjoy your pregnancy journey mommy minsan lng sya sa tummy mo. Ako pag malikot baby ko kahit medyo masakit natutuwa padin ako mas naeexcite ako. Pag hindi sya malikot mas nakakapagalala 😊
ang maganda po kapag ganyan ay kausapin si baby kasi po naririnig na nya kayo. yung sakin po kapag hinihimas ko tumitigil sya sa sipa. healthy baby po kapag sobrang likot sa tummy.
Maging happy ka kase sobrang responsive ng baby mo mumshy. Yung iba hinahanap hanap yung galaw ng anak nila at nagwoworry kase hndi halos maramdaman yung baby nila eh.
natutuwa ako pag sipa ng sipa si baby.yong tipong kahit busy ako sa pag scroll down sa fb or any other site tumitigil ako para tingnan lang bawat moves nya😍