Noon ang 2021 for me ay isang malaking bangungot for my family. We celebrated new year 2021 with empty pockets literally. I was 4 mos pregnant that time and ang mister ko ay hindi na nakabalik sa dubai due to outbreak and hindi na pinayagan ng kumpanya last 2020. Imagine, being pregnant at pareho kameng wlang work at lahat ng naipon ay nasaid na. Pinasok ko kahit ang pag gawa ng ice candy and si mister ay pumasok kung saan saang trabaho dito sa malapit sa amin. Lahat ay sapat lang para sa pangkain sa araw araw. Bilang isang magulang iniisip ko kung paano ang panganganak ko at ang gastosin sa bahay. Then, in the midst of January nagkatrabaho ang asawa ko sa Cavite malaki laki ang kita , nakaipon kame paunti unti para sa panganganak ko. Then another news came last February- we're having a baby boy! 👶 Wish granted para sa aming mag asawa dahil may girl na kame. We are now complete with 2 kids ( boy and girl) June 2021 isinilang ko sya. Since then my 2021 disaster is now a 2021 blessing in disguise. Kase simula ng ipanganak ko ang aming baby boy nagkasunod sunod na ang blessing.Sa ngayon nasa cavite pa din si mister and ako naman ay naka work from home. Good bye 2021. Marami akong natutunan sayo. Simula ngayon ay hindi na ako mawawalan ng pag asa. Lalaban ako kagaya ng bulaklak na ito. Pilit na namukadkad sa gilid ng daan, sa pagitan ng mga balakid n semento. #ForABetter2022 😇 Kudos 👩mommies and thank you #AsianParentPh