UTI

Niresetahan po ako cefalexin para sa uti, mataas daw kasi uti ko, 14weeks pregnant po ako, di po ba ito makaapekto kay baby? Di pa po kasi ako nagpapa check up sa ob, nurse po sa center ang nagreseta sakin, Hindi ko pa din po iniinom until now kasi nagwoworry ako na baka makaapekto kay baby, sana po masagot, Thank you po.

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din yung akin, Nakatatlong laboratory ako bago nawala uti ko, unang lab ko mataas daw uti ko kaya pinapainom ako nyan 7days 3x a day. Then nagpacheck up ulit ako nagpafollow up urine lab ulit, meron parin daw infection, another gamot na naman, 7 days ulit. Then nagpalab ulit ako after 7days, nagalit na ung doctor saken hehe, bakit daw di nawawala uti ko pabalik balik na daw ako sa laboratory di daw ba ko napapagod. Di nalang ako sumagot kasi nanenermon sya tsaka di ko alam bat di nawawala, inom naman ako ng inom ng tubig iniwasan ko din ung maaalat. Hanggang sa binigay na nila ung gamot ulit tapos kinausap ako ng assistant ng doctor, sabi nya saken pangatlong gamutan na daw to, di daw ba ko naaawa sa baby ko kasi masama uminom ng matagal na gamot lalo na antibiotics daw pwede na daw maapektuhan baby ko. 3days nalang nila kong pinainom ng gamot kasi dami ko na daw nainom delikado na daw un. Edi ginawa ko nalang tlga di nako nag gagatas tubig lang ng tubig ng tubig, pagtapos ng tubig buko juice nalang, gulay lang din ako ng gulay iniisip ko kasi baka sa ulam naman un kaya di nawawala uti ko. Lahat ginawa ko na minsan nga walang lasa na tlga kinakain ko mawala lang uti ko, natakot kasi ko sa sinabi ng doctor. and last na gnawa ko, di ako nagpagamit sa asawa ko ng 1week, kasi may nagsasabing mas nakakalala ng uti pag gnagalaw ng asawa. So ayun last lab ko, umokay na natuwa ung doctor saken "congrats" daw. Kaya sobrang saya ko tlga... ingat nalang mommy, sana nakatulong experience ko hehe

Đọc thêm

First of all di po mag reresita ang Nurse or Doctor kung ndi safe for you and your baby and kung may doubt po kayo try to do some research po ndi yung nag dudunung dunungan kayo dahil sa ginagawa nyong yan mas lalo nyo pinapalaki ang risk na magka'problema sa baby nyo pag nahawa pa sya ng UTI or maapektuhan sya. Inumin nyo na po yung gamot as prescribed and more water intake wag na po mag softdrinks and juice tiis muna sa water lang..

Đọc thêm
Thành viên VIP

No, 14 weeks ka palang alam ko kailangan mo yan. ako nag antibiotic din ako sa bunso ko nung sa lying in ako nagpapa check up Kaso nung lumipat na kami sa private doctor dapat daw di nako uminom Kasi kabuwanan ko na, ang kailangan daw uminom ng antibiotic for uti is yung mga nasa early stages palang ng pregnancy Kasi ang ginagawa daw ng UTI is kinakain nila yung inunan, na nagcacause ng pre term labor.

Đọc thêm

Ganyan din resita sakin cefalexin pero putol putol lang inom ko hihi 1week lang ata yun HAHA. Nag stick na lang ako sa sinabi ni ob na 2liters a day na tubig, hanggang ngayun ginagawa q pa din 31weeks nako 🤗

okay po yan kasu ang saken dku kaya nahihilo ako kapag iinom ako nian dati kaya ang ginawa ko uminom nalang ako ng tubig na madami. then pagdating ng follow up check ko naging okay naman na ang result.

Nyek aalisin nga nyan impeksyon Para di makuha ni baby, 1week ako uminom nyan pero no side effects, sundin mo na Lang kasi mahiRap pag nahawa ng uti si baby at magkaron ng komplikasyon

Thành viên VIP

Mas makakaapekto kay baby pag di nyo ininom ung gamot. Safe po sa preganant at kay baby ang gamot n yan. Habang maaga, dpat maagapan na yan kasi viral infection po ang UTI..

ganyan din niresita sakin ng OB ko. 3x a day. kasi kong hindi gagaling yang UTI mo possible mapasa yan sa baby mo.

safe po yan khet sa nagpapabreastfeed😊 just 3x a day within 1week lng no more no less...

Wag matigas ulo mo. Pag di mo ininom yan makakaapekto yan sa baby mo paglabas.