Going 34 Weeks, Ftm. Kinakabahan

Ninenerbyos nako. Hayszt, Minsan tuloy napapasabi at naiisip ko na sana di muna ako nag baby. Pero guilty ako don, kasi baka maramdaman ni baby un. Basta todo dasal nalang ako na kayanin ko, at safe si baby yun ang mahalaga. Napakaduwag ko e. ? Napakababa ng pain tolerance ko, Tapos sa hospital pa na pag aanakan ko, bawal may kasama. So kaylangan ko talaga ng lakas ng loob ? Dec 26 Edd via utz and lmp. Cheer nyo ko please ?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din po ako momshie kahit 2nd baby ko nato. Para kong nanganganay ulit kasi 6yrs gap sa panganay ko. Kabado din ako. Pero pray lang tayo. Para sa baby natin. Lahat kakayanin natin. Isipin mo palagi makakaraos ka. 34weeks nako today. Nakakaramdam nako ng pain.

Alam mo.momsh wala kang di kakayanin para kay baby. Pag andun ka na sa moment iisipin mo na lang mailabas si baby. Balewala na yung sakit kasi mawawala din yun once makita mo si baby. Kuha ka ng lakas ng loob sa kanya.