FTM

Edd via UTZ: July 29 Edd via LMP: July 24 since July 10-14 nag evening primrose ako. 3x a day. Wala effect. 1cm na ko nun hanggang ngayon tapos simula kahapon til today pinalitan nireseta sakin buscopan naman. wala pa din sign. mas magalaw pa nga si baby e. sabi naman ng OB okay pa naman si baby. Ang sinusunod ni OB na edd e july 24 so gusto nya ako mainduce by july 23 next week kasi mag 40 weeks na daw ako. wala lang gusto ko lang ishare na natetest talaga patience natin mga mommies. sana by this week e maglabor na. kung ano ano na ginagawa ko squat at lakad. pineapple juice papaya. nagdadasal kinakausap si baby.. minsan tinatamad na ko maglakad pero gora pa din. kinakabahan na ko baka makatae si baby sa loob. kinakabahan din ako pano kung di ako marunong umire. ang daming pumapasok sa utak ko. sana makaya ko lahat Lord Sana magtulungan tayo mommies. share your story na din if malapit na kayo sa edd nyo. or mga positive encouragement.

20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same tayo momsh July 23 din edd ko 1cm ako last check up ko pero medyo nagkakagulo pa sa ospital na panganganakan ko kase gusto ipaulit yung result nang swab test kase 1week na lang daw validity nang swab sabe nang ob ko before 2weeks Sabe pa nang ob ko by wed daw na di pa ako nang 5cm induce labor na daw nya ako🥺 worried ako may bloody show na ko pero di pa nag tutuloytuloy labor ko Saka di pa alam nang ob ko kung saang ospital ako dadalhin dahil medyo nagkakagulo pa sa protocol nang unihealth eh 😥 sana maging okay na para makaraos na kme ni baby feeling ko gusto na nya lumabas eh

Đọc thêm

same here po! end ko sa ultrasound july16. overdue nako ng 3days now kung hindi pako manganganak bukas madadagdagan ang araw. ! tapos po sa center naman august ako manganganak! TO BE HONEST diko po talaga matandaan kung kaylan last period ko kase nag loloko po talaga regla ko! 😢 now nilabasan ako ng madaming puti medyo buo hindi malasipon at walang dugo! . di pako nakakaramdam ng sign of labor. pray lang po tayong lahat mga mommies lalo na mga team july! AJA

Đọc thêm
4y trước

same tayo. di ko sure yung LMP ko kase naging iregular yung mens ko. :( July 19 naman ako sa TransV ko at July 27 if.sa LMP na binigay ko. wala padin sign ng labor

Ako nga july 29 base sa transV. Naka feel din ako ng ganyan pero inadvice saken ng midwife na magpapaanak saken na dapat stay positive lang lagi at wag masyado papa stress or mag isip ng ganyan kundi baka maCS ka kasi kung ano nafifeel mo mafifeel din ni baby e. So wag mainip mamsh kalma lang po naten utak naten at katawan dahil lalabas naman po yan si baby sa tamang oras😊

Đọc thêm

Nakaka stress talaga pag malapit kana manganak pero wala pa din sign ng labor. Ganyan din po ako nun yung pag me nakakakita sakin tatanong ako na "ohh d pa din lumalabas yan" at naiiyak nko dahil sobrang sakit pag naglakad pero ayaw pa talaga ni baby lumabas tiyaga lang talaga.. Inabot po ako ng 41weeks and 1 day dun nko nakaramdam ng labor, lumabas si baby 41w and 2d.

Đọc thêm

same here. July 26 Edd by LMP, July 19 by transV. pag di pa ko naglabor by this week eh induce na ko ng Saturday. hopefully manganaka na ko. natry ko narin lahat, epo ako ng 37 weeks at lakad lakad pati squats at pineapple juice. kanina paningin ko may tinge na ng blood yung mucus plug ko kase mejo may brown kaya squats ako ng squats ngayon. sana makaraos na.

Đọc thêm

Ako edd ko july 26, pero iinduce na ako sa july 21 39weeks & 2 days na ako nun. Sabi ni ob hnd daw sya magpapaanak ng 40weeks kaya aun, induce ako. Okay na din kesa lagi ako nag aantay nakkainip na rin kasi tlga. Sana maging safe kami ni baby😊

Keri lang yan mommy ako nga sa third baby ko tagal ko din bago nanganak compair sa dalwa kong baby wait ka lng manganganak ka din..Godbless po sa inyo ni baby 😊😊 pray lng lagi

4y trước

ipang weeks ka mamsh sa 3rd baby mo?ako din kase 3rd by at malapit na madue. dun 1st and 2nd child ko 38 weeks lang ako, ngayon mukhang aabot sa due date eh. pero pag wala parin daw labor induce na ko.

Buscopan pwedi sa buntis hnd ba mapano c baby sa loob ako din gusto kunang nakarahos 38weeks nako ngaun pwedi Kaya akong uminom ng buscopan mga momchie salamat sa sasagod

4y trước

reseta ng OB momsh. wala pa din effect buscopan sakin e. iba iba talaga ang pregnancy natin

up ⬆⬆⤴⤴⤴ firt time here so takot din ako😆

Thành viên VIP

Be positive lang mommy para kay bb kakayanin.