Is this Yeast Infection????
Ngayon lang to lumabas sakin wala naman po amoy. I'm currently 32weeks preggy. Lately nangangati yung private part ko pero nawawala rin siya, Ano pwedeng gawin? Salamat.
1. Consult OB. 2. Laging hugasan ng tubig ang ari sa tuwing iihi or si-cr. 3. Ugaliin ang madalas na pag papalit ng underwear. 4. Hugasan ng maigi ang ari, gamit ang tubig sa tuwing maliligo or mag ha-half bath. Yung hindi lang yung major labia pero pati yung minor labia dun kasi sumisiksik yung mga discharges. 5. Wag na wag gagamit ng kahit na anong feminine wash, tubig lang. 6. Banlawan ng maigi ang panty sa tuwing mag lalaba. 7. Huwag gagamit ng fabric conditioner sa mga panty.
Đọc thêmnag kakaganyan ako since 3 months preggy ako. Ginagawa ko lang is 3 times palit ng Panty at Hugas lagi ng pempem pag makati.. Mas better pag malamig na tubig 😊 iwasan po na sabunin .. okay na yung water lang till now na 7 months nako may ganyan padin ako..
hi, tanong ko lang po. di ba makati yung sayo? kung di sya nawawala, kamusta po yung sugar mo?
Yes po. Wag muna kayo mag fem wash, more on water lang po kayo and inom ng madaming water pa. Inom dn kayo yakult. Iwasan matatamis. Sakin buti nawala.
Ako hndi ko matandaan kung 32 or 33weeks ako nagka yeast infections tas after 2 weeks nawala naman hehe. Tsaka mag buko din po kayo, iwas sa fruits na matatamis din po.
yes po sign of yeast infection.
Thanks Mommy, much appreciated 💖
yeast infection momsh
Consult with your OB
ig: millennial_ina | TAP since 2020