anu po maganda gawin para di po maglaglagan ng baby 3x na po kac ako nakunan eh,
Ngaun buntis na naman ako at ramdam ko nasa mababa na naman sya
Hanap ka po ng Ob-perinat. ako rin po 3x na nakunan. pang 4th pregnancy ko na po ngayon, 2021 nagpaalaga na kami sa obgyne ko 1 taon kami nagpaalaga. Maraming test pinagawa sa akin including APAS test na menu pricey para malaman lahat ng possible causes bakit ako nakukunan pero lahat normal result.Nov confirmed pregnant na ako kaya nagleave na sa work at complete bed rest complete rin vitamins pero lagi paring dinidugo lagi kami nasa ER hanggang dinugo ako malakas at naconfine ng 3 days for monitoring. nag decide na ang obgyne ko na irefer ako sa OB-Perinat po at sila ang may mas alam sa mga gantong kaso, high risk pregnancy na po kasi tayo. Obstetric APAS ang sabi ng Ob-perinat ko at ang mga gamot ko ay pang APAS. nagiinject ako daily ng Tinzaparin Innohep sa tyan ko, 3x a day nakacalcium, 3x a day nagiinsert ng progesterone sa pwerta ko, aspirin 150mg once a day. duphaston 3x a day ( pero pinatigil na to ngayon) plus vitamins na iberet at obimin plus. Sa Ob-perinat ko every other week ang check up ko for ultrasound at cervical length assessment kasi binabantayan cervix ko ( last pregnancy ko kasi incompetent cervic ako) at si baby binababantay rin kung okay sa obgyne ko naman once a month ang check up ko for monitoring sa mga basic like sugar ko, timbang namin ni baby etc. Sa awa ng Diyos going 22 weeks na ako at CAS sched na namin ngayong Saturday. Pero kahit ganun praning parin ako kasi last na cervical assessment ko nakakita ng sludge which is indication ng preterm labor ulit. pero talagang pray pray lang at sinusunod lahat ng payo ng mga doctor. 5 months pa lang kami pero nakaka hundred plus thousand na ang gastos namin :( Ang mapapayo ko po sayo Mi hanap ka ng OB perinat sila makakaexplain at makakatulong sayo para sa pagbubuntis mo, sobrang magastos lang po at talagang complete bed rest po dapat, ako nakaleave sa work ko at si hubby lang ang gumagapang ng gastos namin araw araw at sa check up at sa gamutan ko kaya talagang mahirap emotionally at financially. Pero kailangang tiisin kasi gustong gusto na namin magkaanak at napapagod narin ako magbuntis lalo nat pang apat nato... Tsaka pray pray lang at magtiwala kay Lord. Gawin mo ang part niyo na magpatingin sa Doctor, sundin ang mga test na ipapagawa, bilhin lahat ng gamot na dapat itake at iwasan lahat ng bawal at si Lord na bahala gumawa ng part niya :) God bless you at praying for you po. Sana makapagpatingin ka na sa Ob-perinant para po matulungan ka na.
Đọc thêmHello po Mommy. I understand your concern po, ganyan din po ako. Dalawang beses na ako nakunan, April 2020 (8-10 weeks age of gestation) at September 2021 (10-12 weeks age of gestation). Ang first po ay nag bleeding po ako ng ilang araw kaya nagpa ER po ako at niresetahan ng duphaston. Pero, on the last day na ininom ko yung duphaston, dun din nawala yung baby. As in nag heavy bleeding na ako, kaya derecho na kami sa ospital. Ang second miscarriage ko naman ay 1st check up namin, may heartbeat na, pero after 2 weeks, nawalan ng heartbeat yung baby. Awa po ng Diyos ngayon, buntis ulit ako on my 3rd pregnancy. Di ko po ineexpect to kasi as much as possible, gusto ko pa po sana mgpahinga kasi parang negative na ng paningin ko sa buhay na na depressed ako kasi lagi ako nakukukunan. Pero, last August 2022, nalaman po namin ng asawa ko na buntis ulit ako. Unexpected blessing po talaga pero npaka worth it. Sinunond ko lang lahat ng laboratories at sabi ng doctor. Sa awa po ng Diyos ay 32 weeks na po ako ngayon at waiting na lang na lumabas si baby. Sundin mo lang lahat ng payo ng doctor mommy. Kaya yan. Praying for all the mommies na nagmiscarriage na before, na malalagpasan natin to at mgkakaroon din tayo ng bundle of joy, soon….In Jesus name 🙏🤗
Đọc thêmThank you po Mommy. Patience lang talaga at prayers kay Lord, ibibigay din. Sana makaraos na din po ako, konting paghijintY na lang at makikita ko na ang baby ko 🙏🤗
mi, taga saan ka? if north caloocan ka I highly recommended ang The Queens Clinic. pag ganyan mga case, mas matutukan ka nila. I had miscarriage din before and now may rainbow baby nako😊at monitored nila ako at alagang alaga. iwas stress kalang din at kilos kilos. ako kase nakunan ako before due to stress and kilos kase ako ng kilos pero di ko kase alam na buntis pala na ako nun. ngayon 2 months nalang manganganak nako😊 healthy and normal si baby. magiging okay din yan mi pagPray mo lang din🙏 at ingatan ang sarili para sainyo ni baby.
Đọc thêmHi Mommy! If you’re from Pasig I recommend Dra. Chua-Ursua of Medical City. She’s an OB-Perinatologist. She’s really good plus she cooperates with her co-doctors. She’s very much experienced too. :)
@ kimmy may private clinic ang OB perinat ko dito sa Antipolo pero dun niya ako dinala sa Quirino Memorial MEdicaL Center sa QC. government hospital siya pero ako naka "Pay" ako kumbaga private dun, kaya talagang anlaki ng binayaran namin prof fee at hospital bill. Kasi Pay patient lang ang hinahawakan ng OB perinat ko . thanks God kasi kahit 1 month ako naconfine nasa 200k lang bill ko unlike sa ibang mga private hospital na sobra lalalaki ng bayad. taga Antipolo po ako at Dra Mendoza po ang nagalaga sa akin.
Đọc thêmbago dapat nagbuntis, nagpaalaga na po sa OB sana kasi may problem po pag laging nakukunan.. pacheck up ka na agad baka may Apas ka kasi. 2-3x na miscarriage ay candidtate for apas check up...yung katawan mo ang kusang nagrereject sa baby. ganyan kasi yung case ng dr na kawork ko. 3x sya nakunan. yun pala may apas ...need ng monitoring at gamutan para di na ulit ireject yung 4th baby.
Đọc thêmako mii 3x na din. pero awa ng diyos nakabuo kami ulit nag pa ob agad ako kinabukasan nung nalaman ko na buntis ako . sinuggest din sakin na mag pa APAS test pero diko po nagawa yon . sobrang daming pampakapit ang binigay sakin ng ob ko . ngayon okay naman 5mos preggy nako. double ingat nalang ako at bedrest kasi dipa makabalik ka ob at medyo malayo.
Đọc thêmWag muna makipag sex mamsh. wag magbuhat Ng mabibigat.magbedrest po kayo. wag na muna maglaba pa, Kung pwede si hubby na muna or kumuha Ng maglaba. magpacheck up SA ob at sundin ang MGA payo Ng ob at uminom Ng MGA prenatal vitamins.. sundin mo Kung ano ang gusto Ng katawan mo. Yun Lang mamsh...
Đọc thêmLook for OB-Perinat who are experts in high risks pregnancies. Plus, look into Immunologist po because my probability na may Reproductive Immune Disorder po. I also had 3 consecutive miscarriages and now, 7months pregnant na po. Need magpaalaga and bantayan po.
Magpa-prescribe ka mi sa ob mo ng progesterone. Pampakapit yon and nakaka balance ng hormones yon. 2x na din ako nakunan then pinaalala ko sa ob ko na bigyan nya ko ng progesterone para mag continues pregnancy ko, and now, may little one nko. :) Thanks God! 😇
Marami po kasi reasons most likely could be genetically or environmental. Paalaga ka po sa Ob-gyne kasi kung ganyan 3x na nangyari dapat pinaghahandaan mo na baka kailangan din ng general assessment pati husband mo para di na maulit sa next pregnancy.
Praying to become a mom this 2023. 3 Miscarriages Currently pregnant APAS mom with cervical cerclag