UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Các câu trả lời

You had enough from pain. Hayaan mo na yung Guy, ang isang unborn child ay biyaya mula sa itaas. Mas gugustuhin mo pa bang isakripisyo ang baby mo? Kung hindi mo na kaya let him go. Kesa naman sa paulit ulit lang yung sakit. I've been in your shoe naunang nanganak ang kabit kesa sakin, actually 1year old na yung bata and ako manganganak pa lang. Pero pinatawad ko padin, masakit oo hindi na mawawala yon. And yung family niya yung BATA lang ang iniisip, sinabi ko sa ka live in ko. Matatanggap ko yung bata pero hindi ko kayang makita ayokong makita. And now yung relationship namin hindi na tulad ng dati pero nakikita ko naman na ginagawa niya lahat para lang mapatunayan sakin na nagsisisi siya sa panggagago sakin. And until now yung naging kabit niya pinaparinggan ako sa facebook, samantalang hindi naman soyang ang niloko ako ang niloko nila. Feeling victim sa mga post alam naman niya na may karelasyon yung lalaki nilandi pa at nagpalandi naman tong isa. Masakit momsh!! Kasi araw araw tinatanong mo yung sarili mo. Am I not enough? Pero syempre sarili mo din ang magcocomfort sayo so everyday nireremind ko yung sarili ko na. You are enough you are Worth it. Lhat ng nangyayari sa buhay natin may rason. Yun nga lang masakit nga lang yung ibang dumarating na pagsubok. Kung pinaparamdam nila sayo momsh na unworthy ka para sakanila at boto sila sa kabit leave them. Magsisisi din sila in time. Kaya mo yan!! Hindi masama ang maging single mom kung nasasaktan kana.

Alam mo momsh gnto lng yan e , unahin mong isipin ung anak mo , kesa sa sarili mo , ou ndi mo kya na mag isa pra ky baby , at ou ayaw mong lumaki sya ng wlang ama , pero pag pnalaglag mo ba sya mrresulba lhat ng problema mo ?? Ndi nman dba , worst llaki pa promblema mo , kse nndyan ang badkarma . Si baby blessing yan ndi yan isang malaking pgkkamali na pde mong bitawan pra maitama lng . Sbi mo nga dba ayaw sau ng pmilya ng bf mo , so hyaan mo sla , ipakita mi sknila na ndi mo sla kelngan at msaya ka sa anak mo . Isa pa momsh wag mo isipin ung ssbhin sau ng ibang tao pag nlaman nlang hiwalay ka sa tatay ng anak mo , bkit ?? Kse unang unang wla slang ambag sa buhay mo , pngalawa ndi ibang tao ung kelangan ng anak mo kundi ikaw , pangatlo mas malaking kahihiyan pag pinalaglag mo si baby 😑😡 Gsto mo ipalaglag si baby pra mkalaya ka sa bf mo ?? Mamsh kyang kya mong mkawala sa bf mo ng ndi mo pnapalaglag si baby , bkit ?? Kse momsh isipin mo nlang a , ou nkalaya ka sknya pag nawala sau si baby , pero kaya ba ng konsensya mo ?? Kaya mo ba pumatay ng batang wla nman ksalanan ?? Hindi dba , pag isipan mong maige mamsh lhat ng ggwin mo lalo ngaun na buntis ka , wag puro sarili nlang momsh .. Lastly ! Ou Breadwinner ka ng pmilya mo , My kwenta ka sknila , pero mattawag mo bang may kwenta kang tao kung mismong sarili mong anak nagawa mong patayin ng gnun gnun lng ??? Isipin mong maige mamsh lahat ng sagot sa tanong ko 😊😊 GOD BLESS 😘😘

I just want to say my opinion. May part na naiinis at galit ako sis sayo pero i will still be polite sa lahat ng sasabihun ko. Unang una sa lahat Ayaw mo palang gumawa ng kasalan against the Lord pero bat nakikisama ka s partner mo outside marriage diba. Against God un. Tpos sabi mo ayaw mo ikahiya ka kasi buntis k tapos walang ama. (consider the fact na outside marriage niyo ginawa diba) Then walang kasalanan ang baby kahit saang anggolo mo sya tignan. Ndi na pinag iisipan yan kung bubuhayin or ilalaglag. Come to think of it ndi mo n sya bibigyan ng chance mabuhay. You will never see how beautiful or handsome ang smile niya. You will missed being a mom. (what if ndi kana iallow magbuntis since binigyan ka ng chance tapos tinapon mo lng. ( just to consider this one) Wag tayong dumepende sa nga lalaki. Man will continue to disappoint us but God doesn't. Pray lng ng pray God will answer and provide everything you and your baby will be needing. Ask and you will be given, seek and you will be found. Madaming pang mangyayari sa loob ng pagbubuntis mo. May blessings pang ibibigay si Lord s mga naniniwala s kanya. Just keep on fighting whats really the right thing to do. Tsaka sa parents mo? Walang magulang n ndi kayang tiisin ang anak kahit n gaano pa kasakit ung ginawa nila. Ill pray for you sis. We (the community will support you kahit emotional and spiritual matter) Love ka ni Lord, your faith is what matter most

Sbe mo wag ka husgahan? Akala ko nman may cancer ka or may taning na ang buhay mo kaya nagdadalawang isip ka na buhayin ang baby mo. Ang masasabe ko lng sayo mahiya ka dun sa contestant sa EB nung nakaraang araw lng may cancer sya pero itinuloy pa rin nya yung pagbubuntis nya at ipinaampon nya ang baby nya. Masakit yun para sa kanya. Pero IKAW!? ang babaw ng dahilan mo para idamay mo sa kabaliwan mo ang walang malay na gusto masilayan ang mundo natin? Single mom ako last sept 2019 lng kami ngkahiwalay ng father ng baby ko pero d ko inisip na idamay ang baby ko. Excited na nga ako makita baby ko kase feb ang EDD ko, at pinush ko lng sa sustento ang father ng baby ko. Ayaw nga ng mother ko sa father ng baby ko at nakapagsalita din mother ko na sana daw nalaglag na lng baby ko pero d ko sya pinansin dahil alam kong nadadala lng sya ng galit nya sa ex ko. At wala ako pakialam sa nanay ko kung d nya tanggap ang magiging baby ko ngayon, alam ko nman paglabas ni baby magbabago lahat. Masasabe ko sayo mahalin mo at tanggapin ng buong buo ang magiging baby mo dahil bka yan na lang maging kakampi mo pagdating ng araw. Lahat ng dahilan kung bkt ka nasasaktan ngayon alisin mo sila sa isip mo at yang baby mo ang pagtuunan mo ng pansin. Namomroblema ka rin sa work mo? Eh pano pa yung mga nakatira lng sa bangketa bkt nabubuhay nila mga anak nila? Madaming paraan, sarili mo lang din ang nanghuhusga sayo na bka d mo kayanin.

Hi sis. Adviced lang sayo keep the baby alive, swerte ka dahil sa dinami dami ng nanay na gusto magka baby binigyan ka , un iba halos gumagamit na ng ibat ibang technology magka baby lang sila. Ung mga negative thoughts isang tabi mo muna hayaan mo muna sila if ano iisipin nila sayo/sainyo ni baby mo. What's important hindi mo ginawa ung maling gawain at mas pinili mong buhayin si baby sa kabila ng ganyang nangyari sa buhay nyo. Hayaan muna muna si guy , Focus ka sa mga bagay na makakapag pagaan ng loob mo , Less stress dapat kase preggy ka. Isipin mo nalang mayroon nang nagmamahal sayo kahit andyan palang sya sa tummy mo , kausapin mo sya na para bang hawak muna sya. Hindi naman pinagpapala ng diyos ang mga taong ganyan , just be yourself , Sabi nga nila kung papansinin mo palagi ang mga negative people at lalabanan mo sila , wala kana rin pinagkaiba sa kanila. God will sustains all your needs at ibe-bless kapa nya ng sobra , dahil sa kabila ng mga di magandang trato ng family nya sayo. You still keep on fighting , Rem. May mas mahihirap pa na sitwasyon ang kinakaharap ng iba. Keep fighting sis and for your baby. God will enlighten you dahil napaka ganda ng puso mo. God bless you sis , At ipag ppray ko kayo ni baby mo sa safe delivery mo. God bless and Isipin mo lagi , You need to be strong For your child. ❤😊 Blessings sila , Anghel ng mga buhay natin bilang isang Ina 😊🙏🏻

Dai, old tale na yang "Ayaw kong mabuhay ang anak ko na walang ama." ... wag na yan.. isipin mo kung bubuhayin mo yang bata with that man, do you think you are really givinf your child a good life? BIG FAT NO! Wag mo i-push ang self mo sa taong yan. If possible nga wag ka nalang humingi ng tulong jan. Lumayo kana sa boyfriend mo. Nasa tamang edad kana and may good job... mahirap lang to think about it ngayon, but eventually KAYA YAN! Expect your family to react negatively ngayon but for sure they will love your baby naman. I got pregnant at the age of 20, jobless, fresh grad, ayaw ng parents ko sa bf ko, ampon lang ako kay sobrang disappointed sila sa kinahinatnan ko after nila ako pina aral... ako ang panganay kaya marami silang plano for me pero I ended up wasted . Galit sila. Sobra. Pero eventually, minahal nila ang anak ko na parang anak nila na kadugo... Same tayo, ilang beses ko plinano na magpakamatay. During the time may kabit ang BF ko na bakla. Alam nila pareho buntis ako pero NAG LIVE IN talaga sila. Very traumatic din pag bubuntis ko ... pero kinaya ko. Very fulfilling ang makapag raise ng bata with all your strength and effort. 6 years old na anak ko ngayon. Looking back akala ko talaga I'll end up wasting my life all the way.. pero I faced my challenges and worth it naman pala. I'm still alive. :) It's not the end pa. Kaya mo yan.

VIP Member

Momsh... huwag kang magalala hnd ka nagiisa madaming mommies ang may problema. Kagaya ko... im 27 months pregnant. Yung boyfriend ko 4yrs na kami lagi ako naniniwala na mahal nya ako na hindi ang ex niya lagi syang wnwalang hiya. Naniwala ako saknya until dumating sa 23weeks na tiyan ko si baby at decide na kaming magpakasal kahit civil... Nung kmuha na kami ng cenomar nagulat ako nakinasal sila ng ex nya na kinagugulat din nya. Sobra sobra din akong nasaktan. Parang akong namatayan at natamaan ng kidlat gumuho mundo ko. Lagi akong umiiyak hangang ngayon dahil hnd k matanggap na ganun ang sitwasyon. Pero lagi ko naisip ang baby ko na kahit anong mangyari ang anak ko nalng ang kakampi ko. Kung masaktan man ako kaya ko dahil mas magging matatag ako sa batang dinadala ko na anak ko. Kaya isipin mong mabuti pwede ka pa din maging malaya momsh hnd porke may anak na kayo ng boyfriend mo hnd ka pwede lumaya. Basta lagi ka lang magpray at lagi mo isipin si baby... walang kasalanan ang baby mo sa inyo. Kung ako hnd ko iaabort ang baby. Maging matatag ka. 💜 hindi din naging madali ang sitwasyon mo kagaya ko. Pero alam mo may pagasa pang maging masaya tayo 💙 saya ko lagi momsh pagnakikita ko ung pic ng baby ko. At hnd k kaya sumuko saknya. Nung una naisip k din mga bagay na hindi dapat pero humingi ako ng tawad sa baby ko at sa panginoon. Dahil alam kong blessings to sakin. 🥰

Let us just pray momsh.. 🥰

VIP Member

Sis, continue mo. 'wag mong ipalaglag ang bata dahil lang sa mga nangyari. Kung tinalikuran ka ng buong mundo, yung baby na dinadala mo ngayon hindi ka niyan iiwan. Mahalin mo siya, ituon mo sa kanya yung attention mo. Lilipas din naman yan. Ako nagkababy ako at the age of 21 and I'm still studying that time. Scholar pa nga ako. Umabot din ako sa point na, itutuloy or ipapalaglag ko yung dinadala ko kasi nga nag-aaral pa ko, sayang scholarship ko, bibigyan ko ng kahihiyan yung pamilya ko. Ang pinagkaiba lang natin sis, yung partner ko is very supportive sakin. Ayaw niyang ipalaglag ko yung baby namin. Kaya kahit na mahirap at katakot-takot na kahihiyan ang inabot ko, dedma na sakin kasi hindi naman sila ang bubuhay samin eh. Pumapasok ako sa school kahit buntis ako, kahit malaki na yung tiyan ko. I feel humiliated dahil sa tuwing papasok ako sa school, yung mga mata ng estudyante nakatingin sakin. Pero dedma pa rin. By the grace of God, nakatapos ako ng pag-aaral ng hindi humihinto. No matter what it takes ginawa ko para sa anak ko dahil mahal ko siya. And siyempre sa support na rin ng partner ko. Now, kasal na kami and we're really happy kung anong meron kami. But sa case mo, mahirap talaga dahil may ibang babaeng involved and ang masakit pa is nabuntis niya rin yung girl. Kaya mo yan sis, alam ko yung family mo tutulungan ka pa rin niyan. Hindi ka niyan pababayaan.

Mommy kayang kaya mo makalaya sa boyfriend mo Ng hindi pinapa-abort yung baby. Saka kung may pamilya ka na masasakit lang na salita binibigay sayo, sa mga kaibigan mo nalang ikaw lumapit and bumawi ka sa sarili mo. Kayang kaya mo yan mommy. Si baby mo di lang yan anak ng tatay niya, mas anak mo yan. Sigurado kung malalagpasan mo lahat ng mgae struggles mo ngayon ano pa kayang problema ang di mo kayang lagpasan. Hindi kahihiyan si baby, ang kahihiyan e yung boyfriend mo saka yung pamilya mo kung di ka nila tutulungan dahil ikaw nga mismo halos gusto mo na i-sacrifice yung kaisa isang anak mo ngayon na dapat pinakamahalaga sa lahat ng bagay. Kaya wag kang matakot na piliin ang sarili mo over your boyfriend and your family. Walang mali kung itatayo mo muna yung sarili mo. And always pray, di ko na nagagawa yun sa panahon ko ngayon pero big help siya sa mga taong naniniwala sa Diyos. Be independent mommy! Wala tayong hindi kayang gawin, basta magtiwala lang tayo. Bread winner ka na, it means that you are already capable of doing the best decision for yourself. Sarili po dapat muna natin lalo na pag nahihirapan na tayo, wag mo na munang isipin yung sasabihin ng mga taong hindi naman iniisip yung buhay mo saka buhay baby mo! Wag mong hayaan mangyari na multohin ka ng isang pagkakamali sa buong buhay mo. Mas lalo ka lang masisira mommy instead na mabuo ka.

Momsh, baby is a blessing 😊 kung ggawa ka po ng decisions plssss.. Pg isipan mo po ng 1 milyong beses kasi po buhay ng baby mo po ang nkasalalay. Be strong enough po para sa knya drting po ung araw na sya ang pagkkunan mo ng lakas at sapat na po sya para masabi mong tunay ka ng masaya. Alam ko po mahirap ang pinagddaan mo pero alam ko din po na malakas ka at mahal mo ang baby mo higit sa pagmmahal mo sa ex mong di deserving ng pagmamahal na bngay mo. Yung baby mo lng po ang mkpagbbgay sayo ng unconditional love kaya alam ko po na ggawin mo ung tama kahit mahirap. Kaya mo po yan para sa baby mo. Di mo po kailangan magtiis sa ex mo hayaan mo na po sya sa babae nya. Sya na po magddala nung kasalanan nya sayo at sa baby mo. About nmn po sa family wag ka po mahiya na magsabi sa knila sa una lng po sipa mggalit pero once na mkita nila na nagppursige ka para sa anak mo llambot din po sila kasi sino ba nmn po ang magtutulungan kundi ang magkapamilya po diba? Kaya go momshie keep your baby. He/she is your true love. Di pa nmn po huli ang lhat may nkalaan pong tamang tao para sayo at para sa baby mo. Naniniwala po akong isang pagsubok lng po yang bngay sayo ng panginoon upang masukat ung faith mo sa knya kaya wag ka po padadaig sa mga bad vibes.. Im cheering you up momshie. Keep praying po. Ang Panginoon po ang higit na mkatutulong sayo.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan