single parents
As a new parent myself gusto ko lang sabihin na grabe kayo. Mama ko single parent din and ngayon ko lang narealize kung gano ka hirap maging magulang lalo na yung ikaw lang magisa. Cguro hormones pero naiiyak ako pag naiisip ko yung hirap ng nanay ko. Wala na syang magulang humiwalay sa abusive na asawa tapos may teenager na kapatid pa na nakadepende sakanya plus ako pa na baby noon. Walang bahay hindi nakatapos walang ipon walang trabaho. Sabi ko sa mama ko habang umiiyak paano ma?. Akala nya tinatanong ko kung paano patahanin baby ko. Hangang tinignan ko sya umiiyak ng mas malakas paano mo na kaya?. Hindi nya nagets agad pero naiiyak sya na tumawa. Ewan ko din eh hahaha pero kahit ano kakayanin ko para sayo. Alam ko ganun din kayo ngayon kinakaya nyo kahit sobrang hirap. Grabe ang taas taas ng tingin ko sainyo parang mama ko. Eto yung yabang nya kahit kanino. Yung iba pinagmamalaki mga materyal na bagay. Mama ko hindi, taas noo sya kahit kanino kahit sa anong problema. Kasi kinaya nya dati hindi ko sya maintindihan pero ngayon yung nararamdaman ko hindi ako makapaniwala na nanay ko sya. Grabe talaga kayo. Saludo ko sainyo taas kamay. Grabe.