26 Các câu trả lời
Wag mo nalang patagalin pa bago sabihin sa kanila. Lalo if financially dependent ka sakanila and for sure gagastos sila sa panganganak mo and pagpapalaki kay baby. Bigyan mo sila ng enough time para maprocess sa isip nila and makapag ipon ng pera para kay baby. Isama mo si partner, kayong dalawa ang humarap kasi kayong dalawa gumawa nyan. Wala ng advice advice, pasasaan pa at malalaman din nila yan, wag nyo na lang patagalin pa.
Same tayo situation, ako naman 2nd yr na. Nalaman ko preggy ako netong April then sinabi ko sa tita ko nung umuwi tita ko nung May siya ang kumausap sa parents ko. Oo nagalit sila, kinausap nila ko pero at the end natanggap din nila. If you have tita, ate or cousins try mo magpahelp sakanila if di mo kaya na ikaw magsabi. Mas mahirap kapag sa ibang tao pa nila nalaman yan.
Actually best advice is to tell them earlier at wag patagalin. Expect na magagalit kasi student ka pa. But bago ka makipag usab, tingnan mo muna kong okay ba yung mood nila, kasi maiiba din pag received ng balita kong meron silang ibang iniisip, so tingan muna yung tamang timing. But the earlier the better. Magagalit man pero for sure tatanggapin ka pa din nila.
If alam naman nila na may boyfriend ka at napakilala mo sakanila yung bf mo, I think they have that kind of instinct na may mangyayari talaga sa inyo at the same bubunga yun, so for me tell them as early as possible para you know wala kang worries, magagalit or masasaktan yan sila that's normal but andyan na yan matatangap din yan nila afterwards. Fighting 💪🏻
yes po alam nila na may bf po ako legal po kami both side. humahanap lang po ako ng tamang timing para umamin
wala namn cgurong magulang na matutuwa kapag yong anak nilang pinapagaral biglang mabubuntis. Lalo ngayon mahirap magpaaral. Yong ibang bata nga di kayang paaralin ng magulang e. Tapos ikaw pinapagaral ka di namn pag aaral inuna mo. Syempre magagalit yan. May pinapalayas pa nga e. Well sana di ganon magulang mo. Pero ginawa mo yan kaya kailangan mo harapin.
actually Hindi po sila nag paaral sakin high school palang ako working student and independent na po. and Hindi ko po pinabayaan pag aaral ko kasi scholar po ako and lagi akong nakakakuha ng mataas na grade. hindi naman po porket na buntis e pabaya na sa pag aaral or malandi na agad. but thank you for your advice☺️
wag mo na patagalin, sabihin mo na habang maaga pa lalo na kung umaasa pa kayo both ng bf mo sa parents nyo financially, mas maaga nilang malaman at matanggap, mas maagang mapaghahandaan. kung late nyo na kasi sasabihin, lalong nakakagalit yun dahil pinaglalaanan ang pagbubuntis ng panahon, pag iingat, pasensya, at higit sa lahat sa pinansyal.
yung iba dito iba ang sagot sa tanong mo. haha. best advice sis is to tell them the truth asap. kayong 2 ni bf mo ang humarap sa both parents nyo. show them sincerely na kaya nyong panindigan yung baby nyo. if di nila matanggap agad, bgyan nyo lang sila ng time. kasi eventually, matatanggap din nila yan kasi apo pa rin nila yan.
mami better na mgsbi ka sa parents mo kc cla ang da best na mkktulong sau e accept mo lng ang mga ssbhin nla sau kc normal un being a parents dhl mas lubos clng nkakakila sau than ur partner twla lang sa kakayahan mo at balang araw wla ng mas ssaya pa lalot alam n ng parents mo.. god bless and ur baby🙏🙏
alam kong nahihirapan ko to say to your parents about your pregnancy but mi mas gagaan ang pakiramdam mo pag nasabi mo na sa parents mo and matutulungan ka pa nila 💞 tignan mo lang yung bright side mi! blessing yan si baby wag mo ikeep sa parents mo🥰
I was 1st year college as well when I got pregnant and I advise you to tell them the truth as soon as possible para hindi ka matatakot magsabi when you need to consult OB and for check up. This is not only for the sake of you but your baby as well.
Anonymous