SURNAME NI BABY

Need your opinion Po. Hiwalay kami Ng daddy Ng dinadala ko ngayon. Nag-susuporta Naman Po Sila financially para sa Bata. Dapat ko Po bang ipapaapilyedo padin sa Bata yung surname ng tatay Niya? Kaso financially lang Siya nag susupport not in emotionally sakin. Nakipaghiwalay kasi Ang tatay sakin 3 months palang Ang tiyan ko sobrang pagdaramdam ko buong pagbubuntis ko Hanggang Ngayon na kabuwanan ko na at nakikita ko din sa sa pamilya Ng lalaki na ok lang sa kanila na di buo Ang pamilya Ng apo nila. Malaking sampal sakin na inanakan lang talaga ako. Nagalit din pamilya Niya Nung sinabi Kong di ko ipapaapilyedo sa kanila Ang Bata dahil hiniwalayan Naman ako Ng anak nila at sinabi pa ititigil na din daw nila Yung pagsusuporta nila samin Ng Bata pero Yung tatay magbibigay parin Naman daw. Yun lang Po maraming Salamat sa sasagot.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kung naging matalino ako before hindi ko ipapaapelyido sa tatay.. kasi yung ex ko walang paramdam at wala din sustento. binubuhay ko magisa ngayon yung 2 kids ko, choice ko yun na no contact para sa katahimikan ng pagiisip ko.. pero kung iisipin mo future ng anak mo, mas may claim sya sa sustento tsaka sa pamana pag sa tatay nakaapelyido.. pag tumigil padala ng pera pwede kagad demanda kasi nakapirma sya sa birthcert ng bata.. ano pa ba pinakamagandang ganti, dun na lang sa need nya gastusan habang buhay. haha

Đọc thêm
1y trước

kasi mhie pag hindi sya nakapirma sa likod ng birthcert pwede nya ideny na kanya yung bata kapag nagkademandahan.. need mo pa mgpa dna para lang may proof na sya tatay. ganun yata yun? kung may makabasa man neto na mas maalam, pasagot naman pls ty!

Ikaw nanay, ikaw ang may karapatan saka hindi naman kayo kasal kaya decision mo kung hindi mo iapelyido sa tatay. Ung sustento, hindi po conditional un, karapatan mo un dahil sya ama ng bata. Kung di ka sustentuhan, ipa brgy mo o kaya derecho women's desk agad. Kapal ng mukha ng tatay ng anak mo. Kagigil 😤

Đọc thêm