Pakelamera
Need ko po ng advice . Normal lang po ba na halos lahat nalang ng bagay pakealaman ng nanay ng asawa ko? Simula nanganak ako nandon kami nakatira sa bahay nila halos di ko mahawakan anak ko. Hindi ko mafeel na nanay na ako kase konting iyak ng anak ko kukunin agad sa akin Tas sya magpapatahan. Tas lahat ng desisyon namin gusto kasali sya. Minsan sya na yung nagdedesisyon sa anak namin. Sobrang sirang sira yung mental health ko inaatakw nako ng PPD ko nung mga time na yon kaya ginawa ko bunalik ako sa bahay namin. Tapos kahit nandto na kami samin pinapakelaman pa din kami. Katulad ng binilhan na nila ng walker yung anak Kong 4 months old at pinagamit na dito. kahit wala naman akong balak na pagamitin ng walker yung anak ko. Dahil ayon sa mga naresearch ko Hindi advisable ang walker sa mga bata . Pag nag kakasakit yung bata sa akin isisisi ichichismis agad sa ibang tao. Minsan isasama anak ko kung saan saan ng walang pahintulot naming magasawa. Sobrang nakaka stress na yung ginagawa nila. Gustong gusto ko na umalis sa ganitong buhay . Gustong gusto ko na mawalan ng connection sa Kanila . Sila nalang palagi yung nasusunod . Akala mo minor kaming magasawa. Gusto Ko lang naman magpakananay at asawa sa pamilya namin Pero lagi syang nakasingit. Gusto ko lang po mabasa yung advice Nyo sa sitwasyon na meron ako. TIA