20 Các câu trả lời
nakakasad nga po Yan 😢 sakin po Kasi nung nalaman ng bf ko na buntis ako kinausap nya agad family nya about sa pagbubuntis ko. ung family nya ayaw kaming ipakasal Dahil bata pa at nag aaral pa si hubby ko nun way back 2015 I'm 24 years old si hubby naman 21 years old . Pero ung hubby ko mapilit gusto nya talaga pakasalan ako at un din naman gusto ng pamilya ko...masakit sakin na sinabi ng pamilya ng asawa ko na Kung pwed wag muna dapat makatapos muna sya at magkawork which is Tama Naman. Pero pinilit ng asawa ko na mag pakasal Kami .Nagpakasal Kami bago ako manganak ☺️ sa gastos pamilya ko at si hubby nag Hati allowance nya ginamit nya para sa ibang needs sa kasal ❤️🥰 masaya ako Kasi ginawa nya lahat para samin ni baby ko 🥰 pinatunayan namin sa pamilya ng asawa ko na makakatapos sya sa pag aaral. hiwalay muna Kami noon ako ang nag alaga sa anak namin hanggang makatapos sya uwiian sya once a week . Sa manila sya nag stay habang nag aaral para makapag Aral sya ng maayos .ako naman sa Laguna sa pamilya ko, sa gastusin Kay baby Hati Kami sa allowance nya sya kinukuha ng pang gastos Kay baby namin at sa Pera ko ung dapat pangpaaral ko sa college ginamit ko sa anak namin 😊 Hindi Rin Kasi ako makakawork kahit makatapos ako Dahil may sakit ako Kaya imbes na gamitin ko pang Aral ko Kay baby na Lang at mas pinili ko na makatapos si hubby .Ngayon nakatapos na sya at nagkatrabaho kinuha na nya Kami 🥰 nakabukod na Kami at magkakababy na ulit second baby namin 🥰I'm 29 weeks and 4 days . Hindi po natin alam Plano ng bf mo. Sana maisip nya na dapat priority Ka na nya ngayon at buntis Ka . satin kasing Babae mahalaga talaga na kasal . lalo na alam ko po Mahal nyo si bf mo at gusto mo na buo pamilya nyo... virtual huge po mommy . sa panahon ngayon Kasi parang normal na ung Hindi magpakasal 😢 support Lang sa pag bubuntis at anak.
ganyan dn mindset ko dati nung nabuntis ako 18yo lang ako (2016). tapos hnd pa alam na may bf ako at mag aaral na dpat ako nun ng college. lagi ko dinadamdam yang kasal na yan at pakiramdam ko anak lng gusto nya sken. lagi dn kme nag aaway. party goer pa kse si lip ko nun time na yun. sobrang stress napag daanan ko at pakiramdam ko ako lng ang may gusto ng kasal kse minsan pinag sasalitaan nya dn ako na bakit nya ko papakasalan sobrang sakit. kung minsan napag salitaan pa ko na kung di dahil dw sa anak nmen matagal na kme wala. lagi kme nag hihiwalay at nag babalikan lng ulit dhil tinatanggap ko sya kahit mdme sya nakaka usap. ngayon mami sobrang ok na kme. nung una papunta punta lng sa bahay un hanggang manganak ako dto na sya nattulog hanggang mapatira, ngayon naka bukod na kme nangungupahan. ilang beses dn kme nag hihiwalay. maniwala ka mami, huhubugin kayo ng panahon wag mo madaliin. ngaun wala na ko pakelam kung ikasal kme o hndi. dahil takot na ko mag pakasal ang importante matured na kme at masaya sa buhay kahit medyo gipit kinakaya. mas pabor ako sa mag sama muna at hayaang mahubog kayo ng panahon bago mag pakasal. tgnan mo ngaun, asawa ko na lagi nag babanggit ng kasal tapos ako dedma hahahaha lapake. kung gsto nya edi go. kung hndi pa kaya edi don't. ayko mag madali HAHA nakaka takot kse mag pakasal tapos mag hihiwalay lng. pano kung huli mo na makita ung the one mo? hnd mo na sya mapapakasalan dahil kasal kana. hndi ka matatawag na asawa kse kasal ka sa iba. mas ok sa tlgang sure kana na sya na talaga. :)
Kausapin mo sya mamsh..mahirap kung puro what if ang nasa isip mo.dapat sa case mo ngayon nagbabalak na ang magulang nya na mamanhikan mamsh or may mabanggit manlang ang bf mo sayo kung ano na balak nila..ako kasi dati way back 2012 nung nalaman namin ng asawa ko na buntis ako sya mismo mag isa nagpunta sa bahay para sabihin na buntis ako..nasa work kasi ako non at dinugo ako kaya sinabi na rin nya agad sa parents ko.balak kasi namin sabay kami magsasabi sa parents namin.kaso nga dinugo ako at need ko rin ng may gumabay sken habang buntis kaya sinabi narin nya at ayun nga namulungan na agad sila samen..habang nagbebedrest ako,at naghihintay sa date ng kasal,sa bahay namin na sya natutulog,pero after a month, after nila mamulungan nakunan ako..pero tinuloy parin namin ung kasal.naadjust lang ng date ung kasal..ayon 9 yrs na kami ngaun nagsasama..and now lang ulit ako nabuntis after 9yrs kaming kasal..im now 22 weeks preggy..Kaya mamsh,kausapin mo bf mo,kasi sa katulad nating buntis,mas gusto natin nasa tabi lang natin sila kasama sa pregnant journey natin..masarap din sa pakiramdam na inaalagaan nila tayo habang nagbubuntis hanggang sa makapanganak..db mamsh?!🙂kaya push mo na yan mamsh,wala naman mawawala kung kakausapin mo si bf mo.para sa baby din at sa magiging family mo yung gagawin mo..🙂
Hindi ko sya pinipigilan na umuwi sa kanila. Hindi ko din sinasabihan na dito na sya matulog sa amin. Only child ako Ng parents ko and mas gusto Ng parents ko na dito n lng kami manirahan kc 3 lng naman kami sa bahay na to at fully paid na ito and in the future ako din naman mag inherit nito. Sya Naman, yung bahay nila sya Ang nagbabayad and kasama nya parents nya, siblings, pamangkin at Kung minsan ay dun din natutulog Yung ate nya at bayaw nya na meron naman sariling bahay. Kung ako gusto ko na magkaron kami sariling space kc Alam ko na maninibago sya if dito sya titira sa amin, and ako naman, Ayoko na sumiksik ako sa bahay nila gusto ko na Malaya kaming pareho na makakagalaw, gusto ko may privacy kami. Wala Naman ako reklamo sa parents nya mabait Yung parents nya pag nandon ako sa kanila welcome talaga ako. Pero sis parang Wala Naman Plano Ang family nya na mamanhikan kahit alam na nila na buntis na ako. Ang sakit lang kung malalaman ko na Hindi sya ready na makasama ako pag inopen ko sa kanya topic na Yan. Hindi ko din alam kung pano ko sya kausapin and bakit kailangan ko pa sya kausapin about that when infact dapat alam na nya Kung ano Yung kailangan ko at dapat nyang gawin.
I-kwento ko sayo ang nangyarinsa anak ng kaibigan ko: Nabuntisan ang anak nya kaya pinakasal silang dalawa sa munisipyo. Mga 3 yrs old na anak nila. Ngayon hiwalay sila kase doon lang nalaman ng girl na may sakit sa isip ang lalaki at nanganganib ang buhay nila lalo na pag sinusumpong. At ang biyenan super kontrabida sa kanya. Sinisiraan sya palagi sa mga tao. Sila dahilan palagi bakit madalas mag away ang mag asawa. Ngayon naisip nila kung bakit kase pinakasal agad. Since di pa nila kabisado ang lalaki at family background. Lesson: Hindi ibig sabihin na nabuntisan ka magpapakasal ka na agad. Wag mong i mandate ang sarili mo na pumasok sa isang sitwasyon na sobrang hirap labasan pag nagkaproblema. Seryoso ang pag-asawa. Di yan pinapasok dahil sa gusto mo lang or may nangyari na di mo inaasahan. Maraming single mother ngayon na masaya nagpapalaki ng anak nila kasama ng mga magulang nila. Take your time. Wag mo pilitin ang lalaki kung ayaw pa. Kung loyal talaga yan sayo mag stick yan sayo kahit anong mangyari kahit hindi kayo magkasama. Magfocus ka muna sa pagbubuntis mo. Baka ma stress ka sa kakaisip at si baby naman ang maapektuhan.
true ako dati gusto ko bago magbuntis kasal muna kaso Yun nga nabuntis na ako Hindi naman ako nagsisi ayos naman kame Minsan d talaga maiiwasan Ang pag aaway pero kailangan umunawa sa ngayon parang D ko muna magpakasal gusto ko mas subukin muna ng panahon Ang pagsasama Ang kasal madali lang kung talagang gusto kahit anong oras anong araw pwede
sakin expi..ko .nung nalaman ng bf ko ng buntis ako 1st nd tlga kmi nagsasama kc nga prang nbigla sia ..pero araw -araw napunta sia sakin pra kmustahin at alagaan pero bago mag gabi nauwe n sia s hauz ng parents nia ,..then need nia mag styin s work nia s laguna naiwan ako magisa sa manila...pero lagi kami magka videocall pag freetym n nia ..at lgi nia kinakamusta yung pagbbuntis nung lumalala na lihi kontas wala ako mautusan or mapakisuyuan n bblin...nging stress ako ..ayun kinuha ako dinala nia ako laguna para nag rent nalang sia ng bahay malpit s work nia...kaso lumalaki tyan ko..lumalaki rin gastos ...short nrin minsan..nagsabi ung parents nia n umuwe kmi s hauz nila quezon city...para daw makapagipon na ng pera para s panganganak at makapagipon n ng mga gamit n baby ...eto ngaun dito ako nka stay sa haux ng parent nia sia balik styin s work nia ..mhirap lang tlga kc wla sia tabi ko.pero pag need ku sia to the rescue ppunta sia
nakakalungkot lang isipin na may ganito din palang nararamdaman ang ibang tao. virtual hugs mare! nung ilang buwan na kong buntis di rin kami nagsasama ng partner ko. mga 8 to 9 months na yung tummy ko nung dinadala dala na nya ko sa kanila at di na masyadong pinapauwi. hanggang sa nanganak ako dun lang kami nagsama pero sa puder ng nanay nya. march 2020, pandemic nung bumukod kami, biglaan lang. umuwi kasi ng probinsya mga kapatid ko at mababakante yung inuupahan nila non kaya kami na muna nagtao dahil andon din lahat ng gamit nila/namin (side ko). laging nagtatanong ang side ko if kelan kami papakasal, smile lang sagot ko kasi hindi ko alam kung may balak ba sya. ni hindi ko nga alam if mahal nya ko dahil sa fling lang kami noon. alam ko sa sarili ko di sya sigurado saken. pati mama nya nagtatanong saken. naiinggit ako sa ibang pinapakasalan kahit huwes lang. ngayon 2 na anak namin mukhang wala talaga 😂
Sis pinipigilan mo ba sya umuwi sa bahay nila tapos ngooffer ka na sainyo nlng sya matulog? Then kung alam na ng family nya na buntis kna dapat ngpplano na sila na mamanhikan sainyo para mkpgpakita man lng ng kht konting delikadeza kasi binuntis ka ng anak nila na hnd muna pinapakasalan. Try mo sabihin minsan sa bf mo sis na "feeling ko ngeexpect na sina papa at mama about sa pamamanhikan neo para mapagusapan na kung kelan ang kasal". Try mo lng sabihin yan sis para mgkaroon ka ng idea kung ano tlga plano nya sainyo. Kung wla sya imik for sure hnd pa sya cgurado sayo. Kung madaming dahilan/alibis bka hnd pa sya ready or ayaw ka pakasalan sis. Kung gusto ka ng parents nya cgurado pipilitin sya na mamanhikan na sainyo. Kung hnd ka gusto ng parents nya hihintayin nila ang desisyon ng anak nila kung kelan ka papakasalan or bka idiscourage pa nila na wag ka pakasalan at suportahan nlng baby mo
Maybe nabibigla lng bf mo at hnd pa sya handa maging tatay. Pwedeng may mga pangarap pa sya na sa tingin nya ay hnd or mahirap na nya makuha kasi magiging tatay na sya. Kung nffeel mo naman na mahal na mahal ka ng bf mo cguro kelangan mo sya damayan at palakasin ang loob nya na kht hnd pa kayo ready ay dumarating na ang pagsubok. Basta mahal neo isat isa wla problema at kelangan neo lng ipaglaban pgmamahalan neo. Try mo nlng intindihin ang partner mo kung kapos man sila. Mahihiya cgurado yan mgtanong sa papa mo about sa pgbubuntis mo lalo kung wla aa naibibigay na financial. Bka sa ngayon mbaba na ang tingin nya sa sarili nya at kelangan mo sya icheer up. Kawawa kasi ang bata na lumaking hnd buo ang pamilya sis
Need mong kausapin Yung boyfriend mo at dapat Malaman nya lahat ng mga gusto at ayaw mo. Hindi lahat ng lalaki alam Yung gagawin Lalo na kung malagay SA ganyang sitwasyon. iniexpect mo na dapat Gawin na Lang nya kahit Hindi mo sabihin, pero beh may mga lalaking Hindi talaga nila malalaman hanggat Hindi mo sinasabi sa kanila. baka din Kasi Ikaw lang inaantay nya magsabi Diba? sa pag uusap nyu ng maayos dun masasagot lahat ng mga tanong mo. mahirap mag conclude Lalo na kung Wala namang basehan. mas ok Yung maririnig mo ng derekta sa kanya kung may plano ba sya o Wala. kung gusto mo syang makasama edi Sabihin mo sa kanya. Hindi lahat ng lalaki kayang hulaan MGA gusto natin.
mamsh,khit wag nalang ung lalake tingnan mo,yung magulang ng lalake..dumaan sila sa ganyan,siguro naman alam nila dapat gawin at sila na mismo magsabi o magtanong sa anak nila kung ano ang balak nya.db?may mga parents din ng babae na naghihintay lang ng signal ng side ng lalake kung ano nang plano..kasi may mga taong mapride like hindi sila para magtanong tungkol dyan.gusto nila side ng lalake ang mag first move at hindi ang side ng babae kasi may mga magulang na kanila ang babae so dapat side ng lalake ang gagawa ng paraan para dyan..gnun po un.
sad na mn sis ng setup nyo😔 dapat kung san ka doon din sya umuuwi para ma check ka nya or mabantayan. ako nung 1st and 2nd tri ko dun ako sa family ng partner ko pero nung 3rd tri ko na kinuha na ako ng parents ko kasi gusto nila sila mag bantay sakin pag ka panganak ko kaya ngayon pag uuwi partner ko galing work direcho sya sa bahay namin and okay lng naman sa parents nya kasi alam na mn nila na ang situation sila pa nga nag aadvise na bantayan ako. dapat talaga kausapin mo partner mo mamsh para ma clear lahat. hirap pa na mn pag may iniisip at buntis pa. God bless you!
Anonymous