6 Các câu trả lời

At some point, kailangan nyo rin talaga bumukod bilang pamilya. Bilang magulang, nakakalungkot man na mahiwalay sa anak, it's a great sign of independence for them to move out and live on their own. Kung kaya naman ng tatay nyo na alagaan ang sarili nya sa araw araw, why not? Dalawin na lang sya regularly, bigyan ng phone + load/internet para madali kayong makapag-usap, and tulungan sya sa bahay pag bumisita kayo.

Much better po kung bumukod na po kayo. Siguro naman po since there is a change in the living environment sa iiwanan niong bahay, baka di na din magsasalita ng kung ano ano yung may ari at maging okay na din father na maiwan. Ideally, ang pagbukod po tlga is makakabuti para makapagestablish na kayo for your growing family without depending on relatives/others.

If malakas pa naman ang father mo, go. Its for your family naman. Nanay ng fiance ko mag-isa din pero ayokong makipisan skanya at payag naman ang fiance ko, kumuha na kami ng bahay na para sa pamilya namin. Iba pa din ung may sarili kang matatawag mong saiyo. Mahirap ang nakikitira lalo me nga anak na, kasi makikielam at makikielam talaga..

Kung ako tatanungin bubukod pero malapit sa father ko. para makikita ko parin siya.. mahirap tlga pag Hindi niyo Bahay Yung tinitirhan. ska para madadalaw dalaw niyo siya. naiintindihan ko si father. nahihiya na siya sa inyo Kasi nga may family kna.. wag niyo n lng siya kalimutan na dalawin palagi.

kung nde naman po nakalagulo sa pamilya mo ang papa mo at kung nde naman nagiging pabigat sa inyo better na wag nyo na po iwan ang papa nyo po..

kung wala naman po kayong problem sa papa nyo at hindi naman po sya nakikialam sa inyong mag asawa better po na wag nalang kayo bumukod 🙂

Siguro iwan niyo na ang gamit kasi mag isa siya at kasama kapatid niya. Magkapatid naman sila. Okay rin bumukod kayo kasi may 2 anak ka na at LIP, basta bisitahin niyo siya man lang kung parehong lugar rin lilipatan niyo.

Câu hỏi phổ biến