7 Các câu trả lời

Mi iwas ka muna dyan. Umuwi ka muna sa inyo kasi hindi maganda ang dulot ng asawa mo sa iyo buntis ka pa naman. Tignan mo kung mabother siya o magsaya pa na wala kayo ng dinadala mo. Red flag yung asawa mo. Hindi kita iaadvice na hiwalayan siya ngayon dahil hindi ko alam ang sitwasyon mo, pero sana kapag may courage ka na I hope you decide what is best for you and your kid. Lalo na yan magkakaanak kayo sana makita mo kung deserve ba ng anak mo yung ganyang klaseng ama at tahanan. Kaya mo ba na sabihan ng asawa mo yung anak mo kung ano ang mga sinasabi niya sayo? Yung future ba ng anak mo may assurance ba kapag kasama mo ang asawa mo? Ganyan na ang magiging mindset mo ngayon kasi, hindi na sarili mo lang, may bata na. Kung kaya mo magtiis, yung anak mo iluluwal mo ba sa mundo na magtitiis din sa toxic na ama? Dito ka mag labas ng saloobin mi kung wala ka masabihan. Safe space naman dito. Hugs sa iyo.

Momsh relax ka lang.. Wag paka stress at depress.. Lamo ba mas higit na maaapektuhan ang dinadala mo sa emosyon na nararamdaman mo? pwede makaapekto sa development niya kaya dapat Pakatatag ka kaya mo yan para kay baby. Kung ako sayo lalayasan ko na yan partner mo.. Sorry to say napakawalang kwenta niya. Uwi ka nalang muna sa parents mo kung saan may makakasama ka at layasan mo na yan ng maging maganda environment naman ang nasa paligid niyo ni baby.. Toxic sa buhay kung yung partner mo wala malasakit sayo.

Magstart ka na ng new life kasama baby mo mamshie. Wag mo na isipin yung partner mo kasi mas lalong mahurap yan pag lumabas na baby mo kung di madali ang pagbubuntis lalo na di madalinonce lumabas na ang baby kaya ako sayo punta ka na sa parents mo, kasi the more tingalan mo pa yung pagsasama ng partner mo the more ka mahihirapan. Hoping maka recover ka agad kasi need ka ng baby mo. Magpalakas ka at magpatatag kasi nakadepende ang baby mo sayo. Wag ka na umasa sa partner mo kung ganyan ugali. Huhu

nako hindi yan pag iinarte mi, ganyan talaga pag preggy, valid ang emotions mo. wag ka na lang din masyado magpaka stress para sa baby mo yung health nyo po ni baby ang mahalaga ngayon, sana magkaron ka ng courage na makapag open sa closest friend mo or kahit sa parents mo, for sure maiintindihan ka po nila imbis na sinasarili mo lang dahil makakasama yan kay baby, stay strong po 🥺

pwede ka rin nmang umuwi muna sa bahay nyo para makaiwas ka sa stress hindi dn nman nakakatulong ang partner mo kung gnyan

kaya mo yn momshi wag ka nlng masyadong mag isip ng kung ano ano,focus ka nalang muna sa baby mo

i feel you mamsh same

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan