Whether you take the pregnancy test or not, kung buntis ka, buntis ka na talaga. Mas hindi ok na idelay mo ang pag PT kasi if you are pregnant, you need to go to the OB agad to make sure na healthy si baby.
Walang magulang ang gustong marinig na nabuntis ng wala sa plano ang anak nila. But i assure you na kahit magalit man sila sa simula, dahil yun sa nagaalala lang sila sa future mo.
If you think na hindi pananagutan ng boyfriend mo ang baby niyo, all the more na dapat sabihin mo sa magulang mo dahil sila lang ang makakatulong sayo at this point. Tanggapin mo kung ano man ang sasabihin nila bilang pangaral.
Alam kong desperado ka, pero tandaan mo sana na hindi maitutuwid ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.