70 Các câu trả lời
grabe po ang taas ng pus cells niyo. do not rely on antibiotic sis kasi dapat sinasabayan ng disiplina yan. kung iinom ka non dapat po kayanin mo rin na umiwas sa maalat mapaulam man yan, sawsawan, chichirya, mga inumin na may kulay like softdrinks, mga juices lang tang, Nestea, C2, plus, o kung ano man. okay lang na matabang ulam basta safe kayo ni baby. at iwas sa pag gamit ng mga magic sarap, vetsin, ginisa mix, toyo, suka, patis more on salt lang para natural basta kontian lang. inom kayo ng 8-10 or 10-12 glasses ng tubig a day po. mag record kayo isulat niyo or bili kayo ng maliit na gallon na 3 liters dapat meron sa shopee mura lang. at inom kayo ng buko juice maganda if wala pang laman tiyan mo. at cranberry juice. ang ininom ko non eh tipco na del monte. ihi ka dapat ng ihi at magpalit ka ng underwear mo 2x or 3x a day wag isang beses lang jusko po. gamitin mong soap eh mild lang like dove na sensitive ganon mura lang din yon. at kung nakikipag sex ka naman sa partner mo, wag ka na maghintay nang matagal. punta ka kaagad ng cr, umihi ka kaagad at mag hugas ka ng ano mo para di ka mainfect. wag ka rin masyado mag suot ng mga napkin or panty liner kasi masama rin pag palagi at gumamit ka ng mga feminine wash but not everyday. disiplina lang kailangan sis. kaya mo yan. gawin mo lahat yan. more on sabaw ka wag puro prito at mga canned foods, o processed foods. pag magpapaurinalysis ka na ulit, sahurin mo yung gitnang wiwi mo na almost patapos na. at more on fruits and vegetables. sana makatulong 😊
mommy wag kapo inum ng inum ng anti biotic kahit na yun ang sabe ng ob or dr. mo nakakasama din po kay baby ang panay anti biotic. much better mag water therapy kapo araw araw at umiwas sa mga bawal. posible pong di mawawala yan kung di din po kayo pasaway. mas magandang agapan yan kesa may mawala. My first baby died nang dahil sa uti nayan nung april lang lastyeat., na infection sya. 8months na baby ko nun sa tyan ko. Kaya mommy hanggat kaya pigilan ang mga bawal gawin mo. At water therapy hanggang sa bumaba uti mo. Wag kang aasa sa Antibiotic, friend ko naman namatay din baby kakapainum sa kanya anti Biotic para sa uti. Now mommy natuto nako preggy ako ulet unang test ko May Bacteria pdin ako means mataas pa uti ko, binigyan din ako anti biotic pro diko ininum kasi natakot akong maulit at magaya sa friend ko kaya nag water therapy lang ako ng ilang linggo at iwas as maalat at softdrinks lalong lalo na sa kape. After ilang weeks nag pa test ulet ako ayun naging okay naman napo lahat at nawala na uti ko.
naku, ever since na nanganak Ako sa 3 Kong anak ndi Ako nag ka UTI, healthy living kc Ako... and I proud of it... I was iwas po sa mga maaalat, matatamis, etc. Ako tubig, buko lang, di Ako Umiinum Ng coke, kung trip ko man di Araw Araw ndi Oras Oras... at Ang soft drinks ko zero sugar like coke zero only, wag masyado sa chichirya malakas Maka UTI Ang snacks and soft drinks... naku disiplinahin Ang Sarili mommy... maging healthy living para din sa family mo... Masaya kaya 😊 pag healthy, di ka lang fit feeling ko matibay resistensya ko 😂😍 healthy din mga baby ko, kaya sana sayo din... ayaw ko kcng Umiinum Ng mga gamot, para sakin lahat may side effects... kaya pls discipline yourself you are the one who owns your body...
For me mamshie much better kung mag pa urine culture and sensitivity kana kasi like sabi u nga dami mo na naimon na antibiotic baka mamaya hindi kana resistant sa meds na iniinom mo. 😔 Pero pwede ka mag home remedy din more water intake fresh buko juice hanggat maari wag mag sanitary napkin or panty liner. Instead tiis muna mag palit ng undies 2-3x a day. Pag nag wash ng private part be sure na wag patatas need pababa (front to back) and laging tuyuin ung private part. Pag kukuha naman ng specimen like wiwi ung midstream mamshie ung gitnang ihi wag ung unang patak or huli. Hopefully Mawala na ung uti mo sa next check mo po🙏😊
. .baka po nagpipigil ka po ng ihi. . water lang po. . pagkagising sa umaga,uminom ng tubig, bago kumain uminom ulit ng tubig, after kumain mag tubig ulit. . instead 8 glass of water, Iset goal nyo po ay kada isang oras dapat nakaka 10 kayong baso. .para ihi kayo ng ihi at matanggal ang UTI. .I was sa maalat,coffee, soft drink,fatty foods, junk foods at chunky foods po muna. .mag veggies muna kau. .yan po ay base on my experience, kaya po wala po akong UTI,at walang sakit sa balakang o anuman hindi din ako minanas. .
bago kayo mag pa test na ihi. wag na muna kayo uminom ng softdrink o palamig. o kumain ng chichiria o kung ano man makita nyo. kaso madedetect sa ihi nyo yon. at pag nag pa lab. kayo gitnang ihi yung isahod nyo sa lalagyan. ibig sabihin ihi muna kayo konti tas tsaka nyo isahod yung kalagitnaan ng ihi nyo. yan lang natutunan ko pangatlo ko na pagbubuntis ngayon sa una lang ako may uti kuno. sinuggest ng ob ko ganon gawin ayon, edi nabasa yung totoong resulta di nasayang yung bayad.
Same niresitahan din ako ng ob ko ng antibiotic for uti 3x a day for 1 week din pero di ko po sinunod masyado. natatakot kasi ako baka makaapekto sa baby ko iyon, 18 weeks lang din kasi tyan ko nun. ginawa ko po is more on water then natural buko juice. and iyong gamot po is iniinom ko 1x a day lang every other day pa ang pagitan. and now okay naman na pero tuloy tuloy parin ako sa buko juice every morning to make sure lang. btw 7 months na tyan ko ngayon huhu 💗
mami pag iinom po kayo antibiotics dapat tuloy tuloy kasi pag di nyo sinunod yung sabi ng OB pwede ma immune ung bacteria nyo sa gamot, hindi sya eeffect.
ang taas naman..ako 6 weeks may UTI ako pero moderate and kanina few na .. disiplina mamy..no soft drinks , coffee, energy drink..completely water and fresh buko water pra cleanse..and everyday please palit panty which is cotton! and i do dry my vagina ..and if ever nagsex kayo ni mister..pagkatpos diretso kana banyo ang hugas vagina na..naghuhugas ako ng vagina after ko wiwi pra sympre linis bulaklak ntin..sa tingin mo saan kaba nagfail? bakit mataas parin..
ganan din skin puro antibiotic binigay . halip na mawala lalo lang tumataas uti ko .. uminom ako ng cefalexin ng 7days tapos nung di tumalab pinainum nmn ako ng co-amoxiclav tapos lalo lang tumaas uti ko kaya binigyan ako panibago antibiotic sa takot ko d ko n ininum .. Ang ginawa ko nagdikdik ako ng malunggay at ininum Ang katas 2days lang yun tpos nagpatest ako ulit .. wala na uti ko
Yung pangatlo na ni resita ng ob ko hndi kuna yung sinunod mommy more on water nalang ako tapos pag balik ko nawala naman siya naging 0-2 pus cell na
Ako sa 2nd baby ko, 4x ako uminom ng antibiotic. Iba-ibang meds un, last na inom ko ay nung 35weeks si baby.. buti nlng nag normal na.. More on water at buko juice lng dn gnwa ko hanggang manganak. Healthy nmn c baby at wlang complications. Inexplain kasi skin ni OB na mas delikado pag hnd nagamot ang UTI bago lumabas si baby. pwede syang magka sepsis (blood infection).
Kayin Aishi