37 Các câu trả lời
Ako naniniwala. Balot mo sa tiyan mo pag tutulog ka yung red na damit ng hubby mo at wag kang tutulog na nakatihaya lalo na sa gabi, And yung bawang posporo asin sa bintana is a must. Walang mawawala kung maniniwala ka, lalo na sa mga probinsya katulad samin.
Di ako naniniwala jan, andaming nag sasabi sakin na mag damit ako ng itim pag gabi. 6 months preggy na ako pero wala akong nakikita or nagpaparamdam na mga ganun. Lumalabas panga ako ng gabi na ako lang mag isa wala namang mga ganun. BTW probinsiya kami.
Lagay ka bawang at asin sa mga bintana mo. Kung ayaw ka pa din tigilan twing matutulog ka itim na damit isuot mo. Ganyan dn ako eh, ang ginawa ng mama ko every night nag sspray sya holy water sa mga bintana ng kwarto ko at may bawang asin din.
sb nmn po nila maglagay daw ng luya s may pusod...pra daw po d maamoy ng aswang ang baby at d lapitin ng mga hnd nyin nkikita...even s mga bata lagyan din daw pag nalabas ng bahay para iwas usog lalo na sa mga hnd ntin nkikita..
Naniniwala ako diyan! pero awa ng diyos never pa akong inaswang simula una hanggang ngayon kahit na madalas akong nalabas sa gabi tapos minsan mag isa lang ako natutulog sa kwarto pag wala yung asawa ko.
Well, ako po mumsh naniniwala po ko sa aswang .kasi mga bad spirit po ung mga un..ang panlaban po tlg jan ay "PRAYER"..itakwil niu po gamit ang pangalan ni JESUS..☺️
maraming mga bagay na d maexplain ng science , walang masama kung maniniwala . its there for a reason naexperience nila yan kaya alam ng matatanda
Naniniwala pero wala pa naman akong na eexperience, kahit na wala naglalagay ako ng asin at bawang sa bintana namin di alam ng asawa ko haha
hindi po. dito lang sa pinas naniniwala sa mga ganyan eh. sa ibang bansa wala namang ganyan dyusko. baka po pusa lang yang naririnig nyo
oo,hindi pulang tela kundi itim na tela at kng may sanga kayo ng suha kumoha ka mag lay ka ng sanga ng suha.